News Releases

English | Tagalog

Regine, Jolina, Lani at Angeline, may hatid na matinding pasabog sa “ASAP XP” ngayong Linggo

July 17, 2026 AT 07:59 PM

Punong-puno ng dekalibreng performances ang mapapanood ng fans sa “ASAP XP” sa Victorias City, Negros Occidental, sa pangunguna nina Regine Velasquez, Jolina Magdangal, Lani Misalucha at Angeline Quinto ngayong Linggo (July 19), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant, at TFC.

 

Asahan ang pambihirang solo performance ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine. Good vibes ang dala ng pasabog na performance ng Queen of Philippine Pop Culture na si Jolina. 

 

Mas pinatindi pang biritan ang mapapakinggan sa pasabog na duet nina Asia’s Nightingale Lani at Angeline.

 

Maki-party naman sa bonggang kantahan na dala ni Bamboo para sa fans.

 

Humanda ng kiligin sa dance performance ng Kapamilya love teams na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, JM Ibarra at Fyang Smith, Kai Montinola at Jarren Garcia, Kolette at Nate Porcalla, at Alexa Ilacad at Gelo Rivera.

 

Haharanahin naman nina River Joseph, Ralph de Leon, at Brent Manalo ang fans sa kanilang hinandang performance.

 

Huwag din palampasin ang world-class na kantahan na dala ng Concert King na si Martin Nievera. 

 

Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa handog na pasabog na finale nina Martin, Regine, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline, Darren, Alexa, Jolina, Klarisse De Guzman, Jona, Jason Dy, Reiven Umali, JM Yosures, Marko Rudio, Khimo Gumatay, Kai, Carmelle Collado, Esang De Torres, Elha Nympha, Gelo, Mikki Claver, Nate, Brent, Ralph, River, AC Bonifacio, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Jarren, Francine, Seth, JM, Fyang, Bianca De Vera, Kolette, at Jane De Leon.

 

Magsisilbing host ngayong Linggo sina Martin, Ogie, Alexa, at Klarisse.

 

Tutok na sa award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” tuwing Linggo, 5: 30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom