News Releases

English | Tagalog

Kapamilya band na The Red Strings, "Nasa Ulap" nang dahil sa pag-ibig

July 03, 2026 AT 01:35 AM

Mahika ng unexpected love, ibinida ng banda

Tuloy-tuloy sa kanilang momentum ang The Red Strings sa paglabas ng bago nilang kanta na “Nasa Ula,” ang ikatlo nilang awitin kasunod ng pagkakalunsad nila bilang bagong OPM band na produkto ng “The Next Big Band” ng ABS-CBN.

Tungkol ang feel-good na awitin sa isang hindi inaasahang pagkikita na nauwi sa pag-iibigan. Ipinapakita nito ang saya, kilig, at kaba ng unti-unting pagkahulog ng loob sa espesyal na tao. Mula ito sa panulat ng band members na sina Gello, Cedryck, Llana, Nicholas, Risen, at Liam ang awitin, habang iprinodyus ito ni DNA Music label head Gab Tagadtad. Tampok ito sa Spotify OPM Rising, All New OPM, at New Music Friday playlists.

Nabuo ang The Red Strings mula sa ABS-CBN Entertainment reality docu-series na “The Next Big Band.” Hango ang kanilang pangalan sa the red string of fate na sumasalamin sa paniniwala nilang itinadhana silang magsama-sama at gumawa ng musika.

Noong Marso, inilunsad nila ang back-to-back singles na “Asado” at “Kupido.” Umabot na sa mahigit 700,000 streams ang “Kupido” at tampok din ito sa Spotify playlist na Hot Hits Philippines, Tatak Pinoy, at OPM Rising.

Kamakailan ay nag-perform ang The Red Strings sa Wish 107.5 Bus, kung saan una nilang ipinarinig nang live ang “Nasa Ulap” kasama ang “Kupido” at “Asado.”

 

Napapakinggan ang “Nasa Ulap” ng The Red Strings sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang The Red Strings sa FacebookXInstagram, at TikTok.

Para sa ibang detalye, sundan ang DNA Music PH sa FacebookXInstagram, at YouTube.