News Releases

English | Tagalog

“It’s Showtime,” umani ng 10 bilyong social media views kasabay ng ika-10 taon ng “Showtime Online U”

August 23, 2026 AT 04:18 PM

Patuloy na tinutukan at hindi binibitawan ng madlang people ang “It’s Showtime” dahil nakalikom na ito ng 10 bilyong social media views sa Facebook, Instagram, X, at TikTok mula noong umere ito noong 2016. 

 

Kasabay ng achievement na ito ay ipinagdiriwang din ng online show nila na “Showtime Online U” (SOU) ang ika-10 taon nito. 

 

Isang pasabog na opening number ang nasaksihan ng madlang people sa hosts nito na sina  Wize Estabillo, AC Soriano, Nicki Morena, Lorraine Galvez, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Anthony Castillo, Anne Tenorio, Jannah Alanise, Mackie Empuerto, Eris Gonzaga, at Zeah Pala. 

 

Nagtuloy-tuloy ang selebrasyon sa Dolphy Theater kung saan may hinanda silang games at performances para sa kanilang masugid na madlang onliners.  

 

Para kay SOU host Nicki Morena na umuwi pa mula sa Germany ay itinuturing niyang isang “full circle” moment ang naging karanasan sa programa.

 

 “Na-experience ko yung ‘Showtime’ mula sa iba’t ibang sides—bilang contestant, host, at OFW—kaya mas na-realize ko kung gaano ka-importante ang SOU para sa mga OFW na malayo sa Pilipinas,” aniya. 

 

Ayon naman kay AC Soriano, nagsisilbing tulay ng koneksyon ang SOU sa dala nitong good vibes ng programa.

 

“Para siyang bridge of happiness. Dati, sa TV mo lang aabangan ng alas-dose, pero ngayon kahit nasa MRT ka o nasa abroad bilang OFW, pwede mo nang mapanood ang ‘It’s Showtime,’” sabi niya. 

 

Habang papalapit sa ika-17 taon ang “It’s Showtime,” mas marami pang sorpresa at mas maraming pasabog ang dapat abangan ng madlang people lalo na sa darating na Magpasikat.  

 

Mapapanood ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Kapamilya Channel, ABS-CBN sa ALLTV2, GMA, A2Z, iWant, at TFC. Patuloy na tutukan din ang online show nito na “Showtime Online U” sa YouTube channel at Facebook page ng “It’s Showtime” at ABS-CBN Entertainment.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

“It’s Showtime,” umani ng 10 bilyong social media views kasabay ng ika-10 taon ng “Showtime Online U”