News Releases

English | Tagalog

Abdul at Marsy, kauna-unahang nagwagi ng P1 million sa bagong season ng "Kapamilya Deal or No Deal"

August 03, 2026 AT 10:47 PM

Naging kauna-unahang milyonaryo ng bagong season ng “Kapamilya Deal or No Deal” ang content creators na sina Abdul at Marsy matapos nilang mapili ang tamang briefcase na naglalaman ng jackpot prize na P1 milyon noong Linggo (Aug. 2).

 

Kwento ni Marsy na una nilang binalak piliin ni Abdul ang briefcase number 14.  Kaya lang nagbago ang kanilang plano nang napanaginipan niya ang number 6 bago sumalang sa taping.

 

Mas nakumbinse pa silang palitan ito nang nagdala ang kanilang co-Lucky Star na si Jannah Alanise ng isang kahon na may anim na donuts habang ang nakatalagang briefcase naman nito ay number 6 rin.

 

“Ngayon lang ako naniwala sa signs. Ito ‘yung number na nakita ko sa panaginip ko. Salamat din sa donuts,” ani Marsy.

 

Sa kabuuan ng kanilang laban, hindi nag-alinlangan sina Abdul at Marsy na ilaban ang kanilang napiling briefcase hanggang dulo, lalo na nang matanggal nila ang P5 at P10. Sa huli, tinanggihan nila ang huling alok ng Banker na P560,000 dahil malaki pa rin para sa kanila ang P125,000 na natitira sa board.

 

Nagbunga naman ang kanilang desisyon nang mapunta sa briefcase number 6 ang P1 million jackpot, dahilan para maging kauna-unahang milyonaryo sila ng bagong season.

Nagpasalamat sina Abdul at Marsy sa bumubuo ng “Kapamilya Deal or No Deal,” kay Luis Manzano, at sa kanilang mga kapwa Lucky Stars sa pagkakataong maging bahagi ng programa.

 

Bago ang kanilang pagkapanalo ay muntik na ring maiuwi nina Lucky Stars Jeffrey Santos at Kim Domingo ang P1 million jackpot.

 

Abangan ang mas marami pang kapanapanabik na episodes ng “Kapamilya Deal or No Deal,” tuwing Sabado at Linggo, 7:30 PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, ALLTV2, iWant, at TFC.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Abdul at Marsy, kauna-unahang nagwagi ng P1 million sa bagong season ng "Kapamilya Deal or No Deal"