Nakakakilig nilang mga eksena, ipinasilip!
Walang humpay na kilig at good vibes ang handog nina Coco Martin at Julia Montes sa pagtagpo ng kanilang mga karakter sa mga susunod na episode ng patok na Kapamilya teleseryeng “Coco Martin’s Sigabo.”
Ipinasilip ng ABS-CBN at CCM Film Productions sa behind-the-scenes na mga larawan at teaser video ang nakakakilig na muling pagkrus ng landas ng CocoJul, kung saan nilalambing ni Gabo (Coco) si Sam (Julia) habang inaalagan niya ang sugatang dalaga.
Kaabang-abang ang muling pagkikita nina Gabo at Sam dahil pagkatapos ng ilang mga matitinding engkwentro nilang dalawa, tuluyan na nilang papasukin ang mundo ng isa’t isa matapos mapadpad si Sam sa komunidad ni Gabo kasunod ng makapigil-hininga niyang bakbakan laban sa grupo ng sindikato.
Samantala, itotodo na rin ni Gabo ang pakikipagsapalaran sa mga maaksyong laban sa mga susunod niyang misyon upang patumbahin ang mga kriminal.
Tutukan ang aksyon at kilig sa “Coco Martin’s Sigabo,” gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para makakuha ng updates sa “Coco Martin’s Sigabo,” bisitahin ang sigabo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



