News Releases

English | Tagalog

Lala Vinzon, 2 kanta ang inilabas sa ilalim ng DNA Music

August 03, 2026 AT 10:22 PM

Isang awit ng pag-ibig at isang awit ng pagtataksil

Naglunsad ang soul-pop singer na is Lala Vinzon ng dalawang awitin, “Ako at Ikaw Lang” at “Karma,” sa ilalim ng alternative-rock record label ng ABS-CBN na DNA Music.

Si Lala mismo ang sumulat ng mga kanta na iprinodyus naman ni DNA Music label head Gab Tagadtad. 

Isang pop-alternative love song ang “Ako at Ikaw Lang” na tungkol sa pagpili ng dalawang nagmamahalan sa isa’t isa, anuman ang sinasabi ng ibang tao. Humugot ng inspirasyon si Lala sa young love para sa kanta na nagtatampok ng emosyonal at romantic lyrics. 

Napapanood na ang kanyang “Ako at Ikaw Lang” performance video simula noong Biyernes (Hulyo 31) sa DNA YouTube channel.

Samantala, isang reggae song naman ang “Karma” na base sa popular na tongue twister subalit may malalim na kahulugan, ayon sa TikTok post ni Lala.  

Dala nito ang perspektibo ng isang anak na nasaksihan ang pagtataksil ng isang magulang at mga kinahinatnan nito. Tampok din sa kanta ang Pinoy culture gamit ang mga linyang Tagalog, Kapampangan, at Hiligaynon. 

Unang nakilala si Lala bilang first runner-up sa first season ng “The Voice Teens” ng ABS-CBN kung saan napabilang siya sa Team Bamboo. Isa rin siyang pianist, aktres, at lifestyle influencer. Hatid niya sa kanyang musika ang halaga ng self-discovery at female empowerment.

Napapakinggan na ang “Ako at Ikaw Lang” at “Karma” ni Lala sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang DNA Music PH sa Facebook, X, Instagram, at YouTube

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.  



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Lala Vinzon, 2 kanta ang inilabas sa ilalim ng DNA Music