News Releases

English | Tagalog

Sassa Dagdag, nagbabalik-musika sa hip-hop anthem na "Alamat ng Baga"

August 24, 2026 AT 04:30 PM

Palaban at puno ng kumpiyansa sa unang awitin sa ilalim ng DNA Music

Palaban ang pagbabalik-musika ng dating “The Voice Kids Philippines” season 2 finalist na si Sassa Dagdag sa “Alamat Ng Baga,” ang una niyang kanta sa ilalim ng ABS-CBN record label na DNA Music.

Isinulat ni Sassa ang matapang na hip-hop track na tungkol sa paninindigan sa sarili, hindi pagpapadala sa mga pagdududa ng iba, at paggamit sa mga pagsubok bilang inspirasyon para mas magsikap at magpatuloy.

Naging katulong niya sa pagsusulat nito sina Michael “Cursebox” Negapatan, Venzon “Abaddon” Malubay, at DNA Music label head Gab Tagadtad

Nakilala si Sassa nang maging finalist sa “The Voice Kids Philippines” noong 2015 sa ilalim ng Team Bamboo. Noong 2017, inilunsad niya ang kanyang debut EP na “Sassy Sassa,” na tampok ang mga awiting “Itatago Na Lang” at “Kumakaba.” Sinundan niya ito ng mga kantang “Pasensya Ka Na,” “Picking Petals,” at “Hulog Ni Bathala,” na lalong nagpakita ng kanyang husay bilang singer-songwriter.

Mas nakilala rin si Sassa sa social media matapos mag-viral ang kanyang cover ng “Rapstar” ni Flow G, na umani ng mahigit 3.7 million views sa TikTok at nagpamalas ng kanyang galing sa rap at pagkanta.

Napapakinggan ang “Alamat Ng Baga” ni Sassa sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang DNA Music PH sa Facebook, X, Instagram, at YouTube

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Sassa Dagdag, nagbabalik-musika sa hip-hop anthem na "Alamat ng Baga"