Mapapanood na ang Part 1 episodes nito sa iWant
Sumakses ang inabangang bagong season ng iWant vertical romance serye na “The Chambermaid’s Daughter” nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera matapos nitong manguna sa most-watched charts nito sa Pilipinas at pumangalawa naman sa iba’t ibang bansa magmula nang una itong ipalabas noong Hulyo 30.
Bukod dito, pinag-usapan din sa social media ang serye matapos makuha ng topics nitong “IWANT GELEX TCD 2” at “GELEX TCD2iWant TopONE” ang top-trending spots sa X.
Sa direksyon muli ni Theodore Boborol, iikot na ang serye sa pag-asenso ni Hannah (Alexa) bilang VP of operations sa hotel na kanyang pinagsilbihan bilang room attendant, at ang kanyang matamis na love life sa piling ni Daniel (Gelo). Sa kabila ng kanyang tinatamasang biyaya, uusbong ang panibagong hamon nang makaharap niya ang kanyang future biyenan at half-sister para patunayang karapat-dapat siyang tagapagmana ng hotel business at kasintahan ni Daniel.
Mapapanood na sa iWant ang Part 1 episodes ng “The Chambermaid’s Daughter” Season 2, habang aabangan din ang Part 2 nito sa Agosto 14 (Biyernes). Libre pa ring mapapanood ang unang limang episode nito sa Facebook, TikTok, at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.
Eksklusibong mapapanood sa iWant ang episodes 6 to 30 sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Oktubre 31, 2026) at iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

