Serye, nangunguna pa rin sa Netflix Philippines
Nagpaabot ng puspusang pasasalamat sina Kathryn Bernardo at James Reid sa mainit na pagtangkilik ng manonood sa loob at labas ng Pilipinas para sa kanilang comeback seryeng “Someone, Someday” kasama si Maja Salvador, matapos itong manatiling nangungunang serye sa Netflix Philippines at nakapasok din ito sa listahan ng Top 10 most-watched TV shows sa Singapore at Malaysia kasabay ng premiere nito.
“We are very grateful sa lahat ng Kapamilyas natin na sumubaybay not just on Netflix in the Philippines but also sa iba’t ibang parte ng mundo. I heard maganda rin ‘yung pagtanggap sa Singapore and also in Malaysia. Grabe nakakatuwa siya,” sabi ni Kathryn sa panayam ng “TV Patrol.”
Hindi naman lubos akalain ni James ang pagmamahal at positibong reaksyon mula sa fans at sinabing, “We just want to say thank you, mga Kapamilya, for all the support, for the warm welcome for this very hot first week. Honestly, your support and the reactions exceeded my expectations, so thank you so much.”
Sa kasalukuyang takbo ng kwento, patuloy ang imbestigasyon nina Billy (Kathryn) at Jordan (James) para matunton ang taong nag-utos kay Caloy (McCoy De Leon) sa nangyaring hacking sa LoveList dating app dahil tila gusto nilang pabagsakin si Billy. Samantala, unti-unting ipinapakita ni Abi (Maja) ang totoo niyang pagkatao dahil nauwi sa mapanganib na kahibangan ang paghanga niya kay Billy sa katakot-takot na panghihimasok niya sa pribadong buhay nito.
Subaybayan ang “Someone, Someday” gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. Napapanood din ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.
Para makakuha ng updates sa “Someone, Someday,” bisitahin ang someonesomeday.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



