News Releases

English | Tagalog

CocoJul, excited magpakilig bilang ‘mag-asawa’ sa “Sigabo”

August 26, 2026 AT 08:10 PM

Gabo at Sam, magsasama sa iisang bahay

 

 

Excited sina Coco Martin at Julia Montes na itodo ang kilig dahil magsasama na sa iisang bubong ang kanilang mga karakter sa tinututukang Kapamilya teleseryeng “Coco Martin’s Sigabo.”

“Magsisimula na ’yung sinasabi ko noon na itong ‘Sigabo,’ hindi lang siya action-drama, talagang comedy-romance siya. Excited kaming lahat kasi nga first time ’to,” sabi ni Coco sa panayam sa “TV Patrol.”

Masaya naman na inisplook ni Julia ang slow-burn romance na atake sa love story nila ni Coco sa serye at sinabing, “Paano magkakaroon ng koneksyon ‘yung dalawa? Saan mabubuo ang kwento ng isa’t isa? Aso’t pusa ba ito? Mapupunta ba ito sa pagkakagustuhan? Maraming sorpresa, hindi pa namin ma-spoil sa inyo dahil dapat niyong abangan. Binuo talaga ni Coco ‘yon.”

Itinampok na sa pinakahuling episode ang inaabangang eksena kung saan nagkunwari si Sam na nawalan siya ng alaala matapos siyang bumagsak sa bubong ng bahay ni Gabo (Coco), dahilan para ipakilala nito ang sarili bilang kanyang asawa.

Dahil dito, wagas ang pag-aalaga ni Gabo kay Sam at handa niyang itaya ang sariling buhay para protektahan ito laban sa mga armadong grupo na tumutugis sa dalaga. Pero walang kamalay-malay si Gabo na iniimbestigahan na pala siya ni Sam para malaman kung may koneksyon ba siya sa mga sindikato mula sa pamilya Zafra.

Abangan ang nakakakilig na mga eksena nina Gabo at Sam sa “Coco Martin’s Sigabo” gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “Coco Martin’s Sigabo,” bisitahin ang sigabo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE