News Releases

English | Tagalog

Bagong P-pop group na AZTER, nagpakilala sa debut album na "univerZity"

August 26, 2026 AT 05:52 PM

Tampok ang kwento ng kabataan at pagtuklas sa sarili

BAGONG P-POP GROUP NA AZTER, NAGPAKILALA SA DEBUT ALBUM NA “UNIVERZITY”

Ibinahagi ng bagong P-pop group na AZTER ang iba’t ibang karanasan, hamon, at aral ng kabataan sa kanilang debut album na “univerZity.”

May espesyal na kahulugan ang pangalan ng grupo na hango sa aster, na parehong pangalan ng isang bulaklak at may kaugnayan sa isang bituin. Para sa AZTER, sumisimbolo ito sa kanilang hangarin na “mamukadkad na parang bulaklak at sumikat na parang bituin.” Ang letrang “Z” naman ay kumakatawan sa kanilang sub-unit na Zodiac, habang ang isa pa ay AXIS.

Binubuo nina Kean, Charlie, Tatin, Gee, Alas, Laurence, Wayne, Loyd, Kiel, Gem, Miguel, at Cray ang 12-member group na ginawang parang isang unibersidad ang konsepto ng kanilang debut album. Tampok sa album ang pitong awitin na “Parang May Mali,” “Kupido,” “Kick Ball Challenge,” “K Dot,” “OTW,” “Unlove You,” at “Boys Night Out” na mula sa komposisyon at produksyon nina ​​Roel Rostata, Patrick Rodriguez, John Reinard Fernandez, Jungee Marcelo, Renz Jomel Salazar, Ron Pangyarihan, Randy Preysto, at AZTER Gee. Nagsilbing overall producer si StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Para sa AZTER, malaking ang tulong ng pagkakaroon ng maraming miyembro dahil bawat isa ay may kani-kaniyang personalidad at talento na nagiging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan bilang grupo.

“We have always thought that having so many members is our strength as a group and we wanted to make use of that. We intended to incorporate school, university, and classroom themes to embody the concept that each member has different individualities and when together we make one great team,” paliwanag ng AZTER.

Naging hands-on din ang mga miyembro sa paggawa ng album, mula sa musika at visuals hanggang sa concepts at choreography.

“Through the making of the songs, the visuals, concepts we made sure that we always have our input in the ideas and work. Gee has written and solely composed three songs from the album. Kean, Laurence, Kiel, Tatin, Cray and other members along with our coaches brainstormed in the choreography of each song,” kuwento nila.

Nangunguna sa album ang “Parang May Mali,” na tungkol sa pakiramdam na parang paulit-ulit na napupunta sa parehong sitwasyon habang umaasang darating din ang panahon na magbabago ang lahat. 

“We had a listening session for the songs presented for the album. The moment we heard the demo for ‘Parang May Mali,’ everyone in the room instantly knew it was a banger and would be the perfect sound to introduce AZTER in the scene,” saad ng grupo.

Sa pamamagitan ng “univerZity,” nais ng AZTER na magkaroon ng tunog na patuloy na nagbabago at hindi lamang nakikisabay sa uso. Hinihikayat din ng grupo ang kanilang mga tagapakinig, lalo na ang kabataan, na yakapin ang kanilang pagkatao, maniwala sa sarili, at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Napapakinggan na ang “univerZity” album ng AZTER sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang AZTER sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Spotify.

Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Bagong P-pop group na AZTER, nagpakilala sa debut album na "univerZity"