
Kapamilya fans, pinaramdam ang pagmamahal sa ABS-CBN
Malayo man sa isa’t isa, parang sama-sama pa rin dahil sa mga kwento ng ABS-CBN na patuloy na nagbibigkis sa mga pamilyang Pilipino.
Ito ang puso ng bagong campaign ng ABS-CBN na “Magkasama Tayo sa Bawat Kwento,” na ipinagdiriwang kung paano naging bahagi ng buhay at mga alaala ng iba’t ibang henerasyon ng mga Pilipino ang mga programa nito.
Tampok sa campaign ang mga testimonial ng mga ordinaryong Pinoy, tulad ng OFW na si Bernie Lledo at barangay worker na si Marilyn Facto, na patuloy na sumusubaybay at nagmamahal sa mga programa ng ABS-CBN.
“Sa aking panonood sa ABS-CBN ay para na rin akong umuuwi sa Pilipinas kahit nasa ibang bansa ako. Alam ko na yung pinapanood ko, ‘yun din iyong pinapanood ng pamilya ko, so virtually, parang kasama ko rin sila pag nanonood ako ng mga palabas ng ABS-CBN,” saad ni Bernie.
“Bata pa po ako … ABS-CBN na po talaga yung pinapanood ng mga magulang ko. Kaya po sa halos parang sa araw-araw, siya na po yung nakakasama namin. Kapamilya na po talaga namin,” dagdag ni Marilyn.
Ang campaign na “Magkasama Tayo sa Bawat Kwento” ay patunay sa dedikasyon ng ABS-CBN na maglingkod at magbigay serbisyo sa mga manonood—ngayon, bukas, at sa mga darating na taon.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
