News Releases

English | Tagalog

Alexa Ilacad at ang S.O.S.H. Girls, makakamit ang hustisya sa likod ng photo leaks sa finale ng "Miss Behave"

August 06, 2026 AT 04:06 PM

Balikan ang lahat ng episodes ng “Miss Behave” sa iWant 

Itotodo na nina Alexa Ilacad, Reign Parani, Xyriel Manabat, Andi Abaya, at Rans Rifol ang kanilang planong paghihiganti sa mga nagpakalat ng mga pribadong lirawan ng kanilang mga karakter sa pagtatapos ng “Miss Behave,” na mapapanood ngayon sa iWant.

Bago ang pagtatapos nito, nagpaabot ng mensahe ang lead star nitong si Alexa para sa mga taos-pusong sumubaybay sa kanilang iWant original series na patuloy na napapabilang sa most-watched charts ng streaming platform magmula nang ipalabas ito noong Hunyo 3. Pinuri ng mga manonood ang serye sa pagtalakay sa women’s empowerment, pati ang husay ng cast nito sa pagsasabuhay ng kwento nito.

“I want to say thank you so much sa lahat ng sumuporta sa show naming ‘Miss Behave.’ We appreciate all your comments, feedback, and the TikTok edits you do online. We appreciate your efforts in making us trend all the time. It’s been a wonderful journey, and sadly, all things must come to an end,” pasasalamat ni Alexa.

Sa finale episode nito, nalaman ni Marla (Alexa) na bahagi pala ng pagpapakalat ng kanilang mga pribadong larawan ang kasamahan nilang si April (Andi). Sa kabila nito, nagkaayos sila at hindi na nagpatinag ang S.O.S.H. Girls na tapusin na sa prom night ang kanilang paghihiganti sa karumal-dumal na inasal ni Cole (JC Alcantara) at ng kanyang mga kaibigan, na mastermind sa likod ng photo scandal.

Kasabay ng pagpapalabas ng episode, nagsama-sama rin ang cast nito para sa finale watch party ng “Miss Behave” nitong Miyerkules (Agosto 5).

Mapapanood na ang lahat ng episodes ng “Miss Behave” sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Oktubre 31, 2026) at sa iba pang bansa.

I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.