News Releases

English | Tagalog

Puksaan nina Kathryn at Maja, hinangaan ng netizens!

August 20, 2026 AT 05:43 PM

“Someone, Someday,” nagtala ng all-time high viewership record sa YouTube

 

 

Itotodo na nina Kathryn at Maja ang puksaan!

Mas lalong pinainit nina Kathryn Bernardo at Maja Salvador ang Primetime Bida sa kanilang pangmalakasang aktingan at tumitinding puksaan sa Kapamilya teleseryeng “Someone, Someday,” na nagtala ng all-time high record na 353,672 peak concurrent viewers sa YouTube noong Miyerkules (Agosto 19).

Nangibabaw ang “mata-mata” acting ng dalawang aktres sa isang malupit na komprontasyon, kung saan sinampal ni Billy (Kathryn) si Abi (Maja) at tinawag na sinungaling matapos siyang traydurin nito. Agad na pumatok at umani ng papuri ang eksena mula sa netizens dahil sa kanilang husay na pagganap.

Tuluyan na ngang ipinakita ni Abi ang kanyang tunay na ugali, mula sa pagbabait-baitan bilang fan ni Billy na ngayon ay number one na nitong karibal na determinadong pabagsakin si Billy.

Kaabang-abang naman ang mas umiigting na tapatan nina Kathryn at Maja, dahil nanggagalaiti na sa galit si Billy at hindi na siya magpapatalo lalo na nang malaman nila ng best friend niyang si Jordan (James Reid) na pineke pala ni Abi ang kanyang pagkatao para makapasok sa buhay nila at Bea ang tunay nitong pangalan.

Subaybayan ang “Someone, Someday” gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC. Napapanood din ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.

Para makakuha ng updates sa “Someone, Someday,” bisitahin ang someonesomeday.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE