News Releases

English | Tagalog

KimPau at Belle, magpapasabog ng kasiyahan sa “ASAP XP” in Australia ngayong Linggo

August 13, 2026 AT 11:40 PM

Sunod-sunod na kilig at kasiyahan ang dapat abangan ng manonood sa “ASAP XP” sa Australia sa pangunguna nina Kim Chiu at Paulo Avelino at Belle Mariano ngayong Linggo (Aug 16), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel,Kapamilya Online Live, iWant, at TFC.

 

Handa ng kiligin sa espesyal na duet nina Kim at Paulo.

 

Tutukan ang pasabog na solo number ni Belle sa entablado ng “ASAP XP.”

 

Bida ang talentong Pinoy sa pangmalakasang opening number nina  Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Robi Domingo, Donny Pangilinan, Belle, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, Sofronio Vasquez, Klarisse De Guzman, at Jona.

 

Magpapamalas ng galing sa kantahan ang global champions na sina Regine Velasquez, Erik, Angeline, Darren, Klarisse, Mary Ann Van Der Horst, Marlisa Punzalan, Jaydean Miranda, Jona, Eric Santelices, at Ram Dinapo.

 

Makikanta naman sa dalang bonggang karaoke session ng Concert King Martin sa Australia.

 

Nag-uumapaw na kilig at pag-ibig ang hatid ng jamming session ng real-life couple na sina KZ at TJ Monterde.

 

Ma-inspire at mamangha sa pasabog collaboration ng OPM icons na sina Martin, Gary, Regine, Ogie, and Zsa Zsa.

 

Tuloy-tuloy na kasiyahan ang dapat tutukan sa finale number ng pamilya ng “ASAP XP” sa pagkanta nila ng theme song ng programa.

 

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi, Donny, Belle, Darren, at Alexa.

 

Tutok na sa award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” tuwing Linggo, 5: 30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

KimPau at Belle, magpapasabog ng kasiyahan sa “ASAP XP” in Australia ngayong Linggo