News Releases

English | Tagalog

“The Loyalty Game,” hindi natitinag sa pagiging No. 1 sa Prime Video PH

August 13, 2026 AT 11:04 PM

Nananatiling most-watched show sa Prime Video Philippines ang suspense thriller na “The Loyalty Game” ng ABS-CBN Studios at Prime Video habang papalapit na ang huling dalawang episode nito ngayong Biyernes (Agosto 14).

Hindi rin nawawala ang serye sa listahan ng most-watched shows sa Prime Video sa Singapore at UAE.

Mula nang mag-premiere ito, lubos na pinag-uusapan online ang serye dahil sa nakakaintriga at misteryosong kwento nito at sa magaling na pagganap ng mga bida ng show.

Sa nakaraang episode, ibinunyag ni Mara (Yassi Pressman) kay Ana (Janine Gutierrez) ang iba pang sikreto ni Ben (Jericho Rosales), kabilang na ang pagiging kasabwat nito sa pagkamatay ng kanyang ama. Sinabi rin niya na naniniwala siyang tama si Regina (Charlie Dizon) sa hinalang si Ben ang responsable sa pagkamatay ng kanilang ama at ng asawa nito.

Ngayong nabunyag na ang mga sikreto ni Ben, nakaabang na ang manonood sa susunod na gagawin ni Ana at kung mapagkakatiwalaan pa ba niya ang kanyang asawa sa rami nitong nagawang pagsisinungaling at posibleng krimen.

Samantala sa pagkatuklas ng mga bangkay ng mga pinatay ni Ben, malusutan pa kaya niya ang lahat ng mga ito at maitatago pa rin kaya niya ang katotohanan?

 

Abangan ang huling dalawang episode ng “The Loyalty Game” ngayong Biyernes (Agosto 14), eksklusibo sa Prime Video.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

“The Loyalty Game,” hindi natitinag sa pagiging No. 1 sa Prime Video PH