Muling umani ng international recognition ang ABS-CBN matapos magwagi si Angelica Panganiban at ang “Call Me Mother” at “It’s Okay to Not Be Okay” sa ContentAsia Awards 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong Huwebes (Agosto 27).
Nasungkit ni Angelica ang Bronze for Best Female Lead in a TV Programme/Series Made in Asia para sa pagganap niya bilang Jackie Carpio sa ABS-CBN Studios mystery-thriller series na “The Silent Noise.”
Tampok sa 10-episode series ang isang pamilyang nabalot ng misteryo matapos ang pagkamatay ng guro ng kanilang deaf na anak.
Wagi naman ng Silver for Best Feature Film or Telemovie Made in Asia ang “Call Me Mother,” na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre. Umiikot ang pelikula sa kuwento ng isang foster mother na gustong legal na ampunin ang batang kanyang pinalaki, habang muling bumalik sa buhay nito ang biological mother nito.
Nakakuha rin ng Silver for Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia ang Philippine adaptation ng Korean hit na “It’s Okay to Not Be Okay,” na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino. Tampok dito ang tatlong karakter na may kanya-kanyang pinagdadaanan at sugat mula sa nakaraan habang natututo silang magmahal, maghilom, at tanggapin ang isa’t isa.
Mahigit 500 entries mula sa Asia ang isinumite sa ContentAsia Awards ngayong taon, habang mahigit 180 programa ang nominado sa 35 categories.
Inilunsad noong 2020, kinikilala ng ContentAsia Awards ang mahuhusay na programa at talento sa Asia at pinipili ang mga nagwagi ng industry professionals na may karanasan sa creative at production process.
Para sa iba pang balita mula sa ABS-CBN, sundan ang @ABSCBNPR sa social media o bisitahin ang ABS-CBN Newsroom.

