Tampok sina Vice Ganda at Erik Santos bilang special guests
Magkakaroon ng bagong talk show ang pambansang Power Diva na si Angeline Quinto na pinamagatang “The Angeline Quinto Show,” hatid ang masasayang kwentuhan at musical performances kasama ang ilang celebrity guests na mapapanood simula Agosto 27 (Huwebes) sa iWant.
Para sa first two episodes nito, bigatin ang makakasama ni Angeline bilang special guests: ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, at ang Prince of Pop na si Erik Santos.
Unang makakasama ni Angeline si Vice sa pilot episode nito para pag-usapan ang kanyang pagsisimula sa showbiz hanggang sa makilala bilang host ng hit Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” at maging isa sa box-office superstars ng bansa. Sunod namang makikisali sa chikahan at kantahan si Erik sa next episode para naman balikan ang kanilang pagkakaibigan at ang mga pinagdaanan nila noon bago matamasa ang kasikatan sa entablado.
Kasabay rin ang bagong programa ni Angeline sa selebrasyon ng kanyang ika-15 taon sa industriya na nagsimula sa kanyang pagsalang sa reality-singing competition na “Star Power” hanggang sa makilala ngayon bilang Power Diva ng bansa.
Makisabay sa chikahan at kantahan kasama si Angeline sa “The Angeline Quinto Show,” na mapapanood ang unang episode sa Agosto 27 at ang kasunod nito sa Setyembre 24 (Huwebes) sa iWant.
Unang mapapanood ang episodes nito sa iWant sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Oktubre 31, 2026) at sa iba pang bansa.
I-enjoy at damhin ang panonood ng iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, ang tahanan ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

