Doble panalo ang “Call Me Mother.”
Ang pinarangalang Silver Best Feature Film Made in Asia sa ContentAsia Awards 2026 nina Vice Ganda at Nadine Lustre ay ang nangungunang pelikula naman ngayon sa Netflix Philippines.
Patuloy na umaantig sa puso ng mga manonood ang pelikula na idinerehe ni Jun Robles Lana dahil sa relatable at hitik sa emosyon na kwento nito sa mga sakripisyo at walang hanggang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.
Nauna na rin itong nag-uwi ng apat na parangal sa 51st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal, kabilang ang Best Actor para kay Vice Ganda, Best Child Performer para kay Lucas Andalio, 3rd Best Picture, at Gender Sensitivity Award.
Nagtala naman ito ng P392 na kita sa takilya sa loob at labas ng Pilipinas, at nagsilbi rin itong opening film para sa Philippines-Japan Film Festival 2026.
Umiikot ang “Call Me Mother” sa kwento ni Twinkle (Vice), isang queer mother sa ampon niyang si Angelo (Lucas). Dumaan sa pagsubok ang relasyon ng mag-ina nang pumasok sa buhay nila ang totoong nanay ni Angelo na si Mara (Nadine) upang makuha ang kustodiya ng kanyang anak.
Ang “Call Me Mother” ay mula sa produksyon ng Star Cinema, The IdeaFirst Company, at Viva Films.
Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

