News Releases

English | Tagalog

Gladys Reyes, pinasok ang mundo ng recording sa "Primera Kontrabida" single

August 14, 2026 AT 10:01 PM

Kwelang selebrasyon ng kanyang iconic kontrabida roles

Inilabas na ng seasoned actress-host na si Gladys Reyes ang una niyang recording project na “Primera Kontrabida,”  isang novelty-pop song na kumuha ng inspirasyon mula sa mga karakter na ginampanan niya sa mga nagdaang dekada.

Isang kwelang anthem ito na nagsisilbing selebrasyon ng tinaguriang ‘Primera Kontrabida’ sa showbiz habang nagpapaalala sa listeners na ang tunay na kalaban ay wala sa telebisyon o pelikula kundi nasa iba’t ibang uri ng kasamaan, tulad ng panloloko, manipulasyon, at kasakiman.

Makikita sa teaser na inilabas ng StarPop ang mga larawan ng ilan sa mga sumikat na kontrabida roles ni Gladys, kasama na bilang Betsy sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes,” Mayet sa “Ang the Breadwinner Is…,” Salve sa “Here Comes the Groom,” at Clara sa “Mara Clara.”

Unang inawit nang live ni Gladys ang kanta sa ginanap na “Primera Kontrabida Sings” event sa Riser Lounge noong Agosto 1.

Mula ang “Primera Kontrabida” single sa komposisyon ni ABS-CBN Music creatives, content and operations head Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus nito kasama si StarPop label head Roque “Rox” Santos. 

Napapakinggan na ito sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye tungkol sa musika ni Gladys, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Gladys Reyes, pinasok ang mundo ng recording sa "Primera Kontrabida" single