Panoorin on-demand ang 75th Miss USA at Miss Teen USA, pati Philippine Selection Night live sa Agosto 30
Ihahatid ng iWant sa mga manonood ang mga kaganapan sa pagkorona ng susunod na Miss USA at ang husay ng Pinoy singers sa on-demand streaming ng 75th Miss USA at live broadcast ng Eurovision Song Contest Asia 2026: Philippine Selection Night.
Masasaksihan muli sa iWant ang coronation night ng ika-75 na taon ng Miss USA na ginanap sa Ziff Ballet Opera House sa Miami, Florida. Mula sa 51 kandidata nito, isa ang hinirang na susunod sa yapak ni Audrey Eckert bilang Miss USA at magrerepresenta sa bansa sa Miss Universe 2026.
Mapapanood din ang on-demand stream ng Miss Teen USA 2026 sa iWant.
Samantala, live ding ipalalabas sa iWant ang Eurovision Song Contest Asia 2026: Philippine Selection Night ngayong Agosto 30 (Linggo), 9:45 PM.
Masasaksihan ng mga manonood ang husay ng Pinoy composers sa kanilang mga official entry na ipe-perform naman ng ilang OPM artists. Mula sa sampung entries, isa ang hihiranging official representative sa kauna-unahang Eurovision Asia music competition.
Balikan ang 75th Miss USA at Miss Teen USA 2026 sa iWant, na libreng mapapanood sa Pinas at sa iba pang bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Indonesia, Thailand, Malaysia, at Singapore after 48 hours mula sa live premiere.
Libre naman mapapanood worldwide sa iWant ang Eurovision Song Contest Asia 2026: Philippine Selection Night.
Panoorin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, the Home of Filipino Feels. I-download ang app sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

