News Releases

English | Tagalog

Kim, Belle, Darren, at James, magsasama-sama para sa bonggang selebrasyon sa “ASAP XP” in Australia ngayong Linggo

August 28, 2026 AT 05:50 PM

Bida ang galing at talentong Pinoy ngayong Linggo (Agosto 30)  sa “ASAP XP” in Australia sa pangunguna nina Kim Chiu, Belle Mariano, Darren, at James Reid.

Makisaya at maki-party sa bonggang opening number nina  Kim, Belle, Maymay Entrata, AC Bonifacio, at Melai Cantiveros.

Pasabog na solo number ang matutunghayan mula sa Asia’s Pop Heartthrob na si Darren. Susundan ito ng nakakakilig na pagharana ni James sa fans.

Sunod-sunod na world-class na sayawan ang mapapanood mula kina Kim, Darren, Kyle, AC, at G-Force, kasama ang World of Dance Sydney 2026 champion na The Clan.

Makikanta sa bonggang duet ng  OPM couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Punong-puno rin ng kasiyahan ang sayawan nina Kyle Echarri at Kai Montinola kasama sina Teacher Georcelle, G-Force, at G-Force students.

Damhin ang nakakaantig na solo act ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Susundan din ito ng pambihirang performance ni Erik Santos.

Isang kaabang-abang na duet din ang masisilayan mula kina Moira at Kyle.

Magpapabilib din sa entablado ng “ASAP XP” ngayong weekend sina Anne Curtis, Angeline Quinto, at Klarisse De Guzman.

May handog naman na father-daughter performance sina Jhong Hilario at Sarina Hilario para sa kanilang fans.

Huwag din palampasin ang world-class performance ni Asia’s Songbird Regine Velasquez. 

Dapat din tutukan sa finale number ng OPM icons na sina Martin Nievera, Gary, Regine, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik, at Angeline. 

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Donny, Belle, Darren, at Alexa Ilacad.

Tutok na sa award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” tuwing Linggo, 5: 30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

 

Kim, Belle, Darren, at James, magsasama-sama para sa bonggang selebrasyon sa “ASAP XP” in Australia ngayong Linggo