Mapapanood sa digital free TV, cable, at direct-to-home satellite
Patuloy ang Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) sa tungkulin nitong siguruhin ang masayang pagtuto ng mga estudyante sa kabila ng mga suspensyon sa klase ngayong tag-ulan, hatid ang mga educational program nito sa DepEd TV powered by Knowledge Channel na mapapanood sa free TV.

Alinsunod sa DepEd Order No. 014, s. 2026 patungkol sa pag-aaral sa gitna ng kalamidad, layunin ng DepEd TV powered by Knowledge Channel na magsilbing gabay sa mga estudyante sa pagpapatuloy ng kanilang pagkatuto ng mga aralin sa iba’t ibang class subjects kahit sa kani-kanilang pamamahay.

Nakaayon ang mga programa nito sa DepEd curriculum para sa mga mag-aaral mula Preschool hanggang Junior High, pati na rin sa Alternative Learning System (ALS). Sinisiguro rin na kalidad at madaling maintindihan ang mga pinapalabas nito base sa pagsusuri at diskusyon kasama ng mga guro, estudyante, at education experts.

Ilan sa mga mapapanood ng mga estudyante ang “Wikaharian,” na nakaangkla sa masayang pagtuturo ng pagbabasa sa wikang Filipino at pagkatuto ng mahahalagang aral sa mga kwentong hatid nito. Nariyan din ang nakatutuwang kantahan sa “Musikanthan,” pinadaling pagtuto ng math lessons sa “MathDali,” mga basic English reading exercise sa “Ready, Set, Read,” at iba pa.

Mapapanood ang mga programa nito araw-araw mula 6 ng umaga hanggang 11 ng gabi.
Ang DepEd TV powered by Knowledge Channel ay kolaborasyon ng KCFI, DepEd, at Solar Learning. Mapapanood ito sa digital free TV (BEAM Ch. 31, SBN Ch. 21), direct-to-home satellite (Cignal, GSat, and SatLite), cable (SkyCable, SkyTV, and Cablelink), at Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) cable operators sa buong bansa. Bisitahin din ang DepEd TV microsite para sa iba pang updates nito.
Sundan ang Knowledge Channel Facebook, TikTok, Instagram, X, at YouTube pages nito o bisitahin ang knowledgechannel.org para sa programming updates, video lessons, at iba pang balita nito.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

