Umani na rin ng mahigit sa 23 million streams sa Spotify
Patok sa netizens at music fans ang 2018 dance-pop single ni Kyle Echarri na “Pangako,” na kasalukuyang trending bilang dance challenge at lyric-video edit sa TikTok at ngayon ay pumasok na rin sa Hot 100 chart ng Billboard Philippines bilang no. 94.
“This song is almost 8 years old but thank you everyone who’s listening to it again,” post ni Kyle sa X.
Masaya namang sumagot ang fans ni Kyle at pinuri ang timeless appeal ng kanta at hinikayat din ang singer-actor, na unang nakilala bilang contestant sa “The Voice Kids Philippines” season 2, na maglabas muli ng album.
Mula ang “Pangako” sa komposisyon ni Gabriel Tagadtad, inareglo ni Theo Martel, at prinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos. Naging bahagi ito ng self-titled album ni Kyle na inilabas din noong 2018. Una niyang inawit ito nang live sa 2018 MYX Music Awards sa Araneta Coliseum.
Sa kasalukuyan ay umani na ng mahigit sa 23 million streams sa Spotify ang kanta habang mahigit sa 14 million views na ang nakuha ng official music video nito sa YouTube.
Patuloy na pakinggan ang “Pangako” ni Kyle at iba pa niyang awitin sa Spotify.



