News Releases

English | Tagalog

Will Ashley, may "Paborito" sa unang single

August 14, 2026 AT 06:04 PM

Handa nang haranahin ang fans sa “Liham” album launch sa Set. 20

Inilabas na ni Will Ashley ang debut single niya na pinamagatang “Paborito,” ang unang awitin mula sa kanyang paparating na album na “Liham” sa ilalim ng StarPop.

Isinulat ni Will ang kanta kasama si Maki at StarPop label head Roque “Rox” Santos na siya rin nagsilbing producer. Tungkol ang awitin sa saya ng pagkakaroon ng isang espesyal na tao at ang pagpiling manatili at mahalin siya araw-araw.

“Excited na akong marinig niyo ang sinulat kong kantang ‘Paborito.’ Sana makasama ko kayo sa September 20 para sa aking album launch,” ani ng Kapuso singer-actor sa social media.

Naghahanda na rin si Will para sa “Liham” album launch na gaganapin sa Setyembre 20 (Linggo) sa SM North Edsa Skydome. Mabibili ang tickets sa smtickets.com at SM Tickets outlets sa halagang P4,850 (SVIP), P3,800 (VIP 1), P3,050 (VIP 2), P2,700 (Patron), at P1,850 (Gen Ad).

Nagsimula ang Sparkle artist bilang child actor bago mas nakilala ng publiko nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” Season 1, kung saan itinanghal siyang second big placer. Patuloy na pinahanga ni Will ang mga manonood sa kanyang pagbida sa mga pelikulang “Love You So Bad” at “Bar Boys: After School,” pati na rin sa seryeng “The Secrets of Hotel 88.”

Napapakinggan na ang “Paborito” ni Will Ashley sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Will Ashley, may "Paborito" sa unang single