Nakakaantig na anthem bago ang 15th anniversary concert sa Agosto 22
Mas pinatingkad ni Angeline Quinto ang mensahe ng wagas at matatag na pag-ibig sa kanyang bagong single na “Hindi Mawawala,” bago ang kanyang inaabangang 15th anniversary concert na “AQuinse” sa Agosto 22 (Sabado) sa Smart Araneta Coliseum.
Mula sa komposisyon at produksyon ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, umiikot ang emosyonal na ballad sa pag-ibig na nananatiling matatag sa kabila ng panahon, distansya, at iba’t ibang pagsubok sa buhay.
Mas lalo pang pinaiigting ng bagong awitin ang excitement para sa “AQuinse,” kung saan ipagdiriwang ni Angeline ang kanyang 15 taon sa industriya sa pamamagitan ng isang gabi ng mga kantang minahal ng kanyang mga tagahanga. Kabilang sa kanyang aawitin ang “Patuloy Ang Pangarap,” “Till I Met You,” “At Ang Hirap,” at marami pang iba.
Makakasama rin ng Power Diva sa espesyal na gabing ito sina Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera, Erik Santos, Enchong Dee, Skusta Clee, Viñas Deluxe, Brigiding, Precious Paula Nicole, at Baby Dolls.
Sold out na ang SSVIP tickets habang mabibili pa ang ibang sections sa ticketnet.com.ph at Ticketnet outlets sa halagang P8,999 (SSVIP), P7,999 (SVIP), P6,999 (VIP), P4,999 (Patron A), P3,999 (Patron B), P2,999 (Lower Box), P1,999 (Upper Box), at P950 (Gen Ad).
Napapakinggan ang “Hindi Mawawala” ni Angeline sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, i-follow ang Star Music sa Facebook, X , Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


