News Releases

English | Tagalog

Donny, Moira, Maki, at Anne, pupunuin ng saya at pasabog ang “ASAP XP” in Australia ngayong Linggo

August 22, 2026 AT 07:08 PM

Maki-party sa nag-uumapaw na sayawan at kantahan sa “ASAP XP” sa Australia sa pangunguna nina Donny Pangilinan, Moira, Maki, at Anne Curtis ngayong Linggo (Aug 23), 5:30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel,Kapamilya Online Live, iWant, at TFC.

 

Damhin ang nakaka-antig na solo act ni Donny para sa kanyang fans. Kasunod nito ang walang humpay na pagbirit ni Anne Curtis sa kanta ni Sia na “Chandelier.”

 

Mapapakinggan na ng fans ang pinaka-inaabangan na duet nina Moira at Maki.

 

Todo bigay na sayawan at kantahan ang hatid na showdown nina Ogie Alcasid kasama ang Wrong Direction na sina Robi Domingo, Donny, Darren, Kyle Echarri, at “It’s Showtime” boys na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

 

Magpapakitang-gilas din sa biritan ang one of a kind collab nina Regine Velasquez at Sofronio Vasquez.

 

Pangmalakasang energy ang mapapanood sa dance break nina Gary Valenciano, Maymay Entrata, Kyle, AC Bonifacio, at Vhong. 

 

Kahanga-hangang performance rin ang ipapamalas ng ASAP divas na sina Divas Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, and Klarisse De Guzman.

 

Huwag din palalampasin ang bonggang duet nina Martin Nievera and KZ Tandingan.

 

Tuloy-tuloy din ang world-class performance sa hatid na number ni Ogie kasama ang new gen divas na sina Alexa Ilacad, Kai Montinola, Esang De Torres, Elha Nympha, and Carmelle Collado.

Samantala, abangan din ang finale number nina Martin, Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik Santos, Angeline, KZ, Kim Chiu, Robi, Donny, Belle Mariano, Darren, Maymay, Kyle, Alexa, Anne, Jhong, Vhong, Klarisse, Jona, Sofronio, James Reid, Kai, Esang, Elha, Carmelle, Kai, Paulo Avelino, Melai Cantiveros, AC, Moira, TJ Monterde, and Maki.

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi, Donny, Belle, Darren, Alexa, and Melai.

Tutok na sa award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” tuwing Linggo, 5: 30 PM sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.

 

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

 
Donny, Moira, Maki, at Anne, pupunuin ng saya at pasabog ang “ASAP XP” in Australia ngayong Linggo