News Releases

English | Tagalog

Patok na queer dating show na "Sparks Camp," aarangkada na sa iWant ngayong Setyembre

August 29, 2026 AT 10:16 AM

Nilahad na ang bagong campers na magpapainit

Mas pinainit at pina-sexy ang ika-apat na season ng kauna-unahang reality queer dating series na “Sparks Camp,” hatid ang mas nagbabagang hamon, drama, at romansa sa isla na tiyak magpapakilig din sa mga manonood sa bago nitong tahanan sa iWant.

Inilahad na rin kamakailan ang bagong set ng mga camper na handang magpainit sa patok na queer dating show, tulad nina “Mr. Explore-Actor” Tommy, “The Drag Queen-Sation” Ian, “The Japinoy Charmer” Taku, “The Shy Achiever” Jury, at “The Babyboy Next Door” Michael.

Kasali rin ang “The Walkin’ Conyo Heartthrob” Joaquin, “The Gio-Target Chinito” Gio, “The Genz-Incere Lover” EJ, “The Daddy-Sirable Cutie” Beej, at “The Fil-Am-Azing Wonderboy” Howie.

Makakasama pa rin nila ang “Mother Sparker” na si Mela Habijan na gagabay sa kanilang pakikipagsapalaran na mahanap ang kanilang true spark sa isla.

Sa direksyon muli ni Ted Boborol, ang bagong season ng “Sparks Camp” ay kolaborasyon ng iWant at PlayTime Entertainment matapos ang mainit na pagtanggap sa vertical drama serye nitong “Will You Fake Marry Me?” nina JM Ibarra at Fyang Smith.

Abangan ang “Sparks Camp” Season 4 ngayong Setyembre sa iWant. Mapapanood ang early access ng mga episode nito sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Oktubre 31, 2026) at iba pang bansa.

Panoorin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, the Home of Filipino Feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.

Para sa updates, sundan ang iWant sa FacebookTikTokXInstagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.