Mapapanood ang Part 2 nito ngayong Setyembre 4 (Biyernes) sa iWant
Tinutukan ng mga manonood ang muling pagpapakilig ng tambalang FranSeth nina Francine Diaz at Seth Fedelin sa kanilang iWant vertical drama serye na “A Cake to Remember,” na humakot din ng higit 7.5 milyong views para sa unang limang episode nitong napapanood nang libre sa Facebook, TikTok, at YouTube pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.
Patuloy rin itong nasa listahan ng most-watched shows ng iWant magmula nang ipalabas ang Part 1 episodes nito noong Agosto 28. Nag-trending din ang serye sa X matapos mapabilang ang “FRANSETH ACTR ON iWANT” sa top 50 trending topics sa bansa.
Sa produksyon ng JRB Creative Production at sa direksyon ni Emerald Silvestre, iikot ang romance short serye sa nalimutang pag-iibigan nina Mandy (Francine) at Landon (Seth), kung saan naudlot ang kanilang sana’y kasalan nang hindi sumipot ang groom. Ilang taon ang nakalipas, nagkasalubong muli sila ng landas, ngunit ikakasal na pala si Landon sa iba.
Lingid kay Mandy, naaksidente si Landon bago ang kanilang kasal, dahilan upang siya’y mawalan ng alaala tungkol sa kanya. Sa kabila nito, pipilitin ni Mandy na matandaan muli ni Landon ang kanilang pag-iibigan sa pamamagitan ng pagpapatikim ng mga cake na kanilang pinagsaluhan noon.
Mapapanood na ang Part 1 episodes ng “A Cake to Remember” sa iWant. Aabangan naman ang Part 2 episodes nito ngayong Setyembre 4 (Biyernes).
Eksklusibong mapapanood sa iWant ang lahat ng episode nito sa pamamagitan ng subscription plans na nagsisimula sa P35 kada buwan sa Pilipinas, at USD 4.99 kada buwan sa United States* (*promo price hanggang Oktubre 31, 2026) at iba pang bansa.
Panoorin ang iba’t ibang kwentong Pinoy sa iWant, the Home of Filipino Feels. I-download ang app at mag-subscribe sa pamamagitan ng Google Play o Apple App Store.
Para sa updates, sundan ang iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

