News Releases

English | Tagalog

Baby Dolls, inilabas ang bagong dance anthem na "Meme"

September 03, 2026 AT 11:30 PM

Pagkatapos magpaindak sa “Oohh Lala Baby” at “Ikembot Mo” 

Matapos umarangkada ang kanilang viral hits na “Oohh Lala Baby” at “Ikembot Mo,” tuloy-tuloy ang breakout girl group na Baby Dolls sa pagpapaindak dala ang bagong dance anthem na “Meme.”

Hatid ng “Meme,” ang masaya at makulit na energy na nakilala sa Baby Dolls. Mula sa komposisyon at produksyon ni Christian Martinez ang upbeat dance-pop track, habang inareglo naman ito ni Albert Tamayo. Si StarPop label head Roque “Rox” Santos ang nagsilbing supervising producer ng kanta. Baby Dolls mismo ang bumuo ng choreography ng awitin kasama si Renz Januz Bercasio.

Sinundan ng bagong single ang debut EP na “Zoom Baby Dolls” ng “It’s Showtime” girl group tampok ang patok na mga kantang “Oohh Lala Baby” at “Ikembot Mo.”Umabot na sa halos 14 million streams sa Spotify ang EP, habang mahigit 23 million combined views naman ang lyric videos nito sa YouTube. Milyun-milyon ding posts sa TikTok ang nabuo gamit ang parehong kanta, patunay ng patuloy na paglawak ng kanilang fanbase.

Ang viral na “Oohh Lala Baby” ay mayroon nang mahigit 17 million views sa YouTube, kung saan nanguna rin ang music video nito sa YouTube Music chart. Umabot rin sa mahigit 9.3 million streams sa Spotify ang awitin at napabilang ito sa OPM Rising, Viral Hits Philippines, at P-pop On The Rise playlists. Nakapasok din ito sa ika-96 pwesto ng Billboard Philippines Hot 100 bilang kanilang unang entry sa nasabing chart.

Samantala, patuloy ring umaarangkada ang “Ikembot Mo.” May mahigit 6.4 million views na ang lyric video nito sa YouTube at higit 3.6 million streams sa Spotify.

Binubuo ang seven-member Baby Dolls nina Arianne Dela Cruz, Chole Florendo, Eriel Reyes, Ina Ortega, Jelai Ahamil, Johaira Moris, at Juby Sabino. Napapakinggan na ang kanilang “Meme” single sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang Baby Dolls sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.

Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.



PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Baby Dolls, inilabas ang bagong dance anthem na "Meme"