News Releases

English | Tagalog

JoshLia, inilabas na ang poster ng reunion movie na "Always Yours, Never Mine"

September 03, 2026 AT 10:32 PM

Mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana at hango sa kwento nina Olivia Lamasan, Vanessa Valdez

Ipinasilip na nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang official poster ng kanilang reunion movie na “Always Yours, Never Mine” na mapapanood na sa mga sinehan simula Setyembre 30 (Miyerkules).

Isinagawa nina Joshua at Julia ang poster reveal sa makasaysayang Calle Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur, na isa sa mga lugar kung saan kinunan ang pelikula. Kasama nila ang cast members na sina Karen Reyes, Bob Jbeili, Migs Almendras, Paulo Angeles, at Joy Barcoma.

Tampok din sa pelikula ang beteranang aktres na si Chanda Romero at ang Kapuso star na si Bianca Umali sa kauna-unahan niyang pelikula sa Star Cinema.

Makikita sa movie poster ang JoshLia na nagbibigay ng pahiwatig sa tema ng pelikula ng pag-ibig at pananabik.

Ang “Always Yours, Never Mine” ang bagong handog ng ABS-CBN Studios at Star Cinema na mula sa pangunguna ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana. Mula naman ang kwento nito kina Olivia Lamasan, Trishtan Perez, at Vanessa Valdez.

Kabilang din sa cast sina Ina Raymundo, Franco Laurel, Reign Parani, Paolo Gumabao, at Jan Silverio.

Abangan ang “Always Yours, Never Mine” sa mga sinehan simula Set. 30 (Miyerkules). Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Cinema sa FacebookX (formerly Twitter)InstagramYouTube, at TikTok para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pelikula.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookX (Twitter)Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 10 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

JoshLia, inilabas na ang poster ng reunion movie na "Always Yours, Never Mine"