News Releases

English | Tagalog

Kapamilya love teams, new gen divas at Regine, sabay-sabay na bibida sa “ASAP XP” ngayong Linggo

September 04, 2026 AT 11:16 PM

Bonggang kantahan ang hatid ng “ASAP XP” sa pangunguna ng Kapamilya love teams na sina JM Ibarra at Fyang Smith, Francine Diaz at Seth Fedalin, at Jarren Garcia at Kai Montinola, at ng new gen divas na sina Alexa Ilacad, Kai, Esang De Torres, at Elha Nympha kasama si Regine Velasquez-Alcasid ngayong Linggo (Septyembre 6).

 

Damhin ang nag-uumapaw na kilig mula sa espesyal na duet nina JM at Fyang, Francine at Seth,at Jarren at Kai.

 

Magpapakitang-gilas sa biritan ang new gen divas na sina Alexa, Kai, Esang, at Elha kasama ang Asia’s Songbird na si Regine.

 

Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa pangmalakasang opening number nina Martin Nieverra, Gary Valenciano, Regine, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Darren, Kyle Echarri, Alexa, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, BGYO, DNA, Sofronio Vasquez, Jason Dy, Jane De Leon, Kai, JM, Fyang, at Klarisse De Guzman, kasama ang Legit Status, MNVRS Ignite, at G-Force.

 

Humanda nang humiyaw at makipag-jamming kasama ang Mayonnaise sa pag-perform nila ng “Jopay.”

 

Huwag naman palampasin ang finale number ng pamilya ng “ASAP XP”  sa pagkanta nila ng theme song ng programa.

 

Tutok na sa award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP XP” tuwing Linggo, 6PM sa ABS-CBN sa ALLTV 2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, iWant, TFC, at delayed telecast naman sa Jeepney TV tuwing 10:00 PM.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE