News Releases

English | Tagalog

Kim, binigyang diin ang pangarap ng Pilipino magkaroon ng isang bahay sa pagbabalik ng "Bahay Mo, Panalo Mo"

September 04, 2026 AT 09:24 PM

WorldRemit, nag donate ng P500,000 sa ABS-CBN Foundation International…

 

Para kay Kim Chiu, espesyal ang kahulugan ng pagkakaroon ng sariling tahanan. Naaalala ng actress ang pagkapanalo niya ng house and lot nang sumali siya sa “Pinoy Big Brother,” kaya malapit sa kanya ang pangarap ng maraming Pilipino na magkaroon ng sariling bahay.

 

Dahil dito, muling nakipagtambalan si Kim sa WorldRemit sa pagbabalik ng “Bahay Mo, Panalo Mo,” isang promotion katuwang ang The Filipino Channel (TFC) na magbibigay sa mga kwalipikadong overseas Filipino customers ng pagkakataong manalo ng buwanang cash prizes at isang bagong bahay at lote sa Pilipinas.

 

“Nakaka-relate ako sa ‘Bahay Mo, Panalo Mo’ kasi noong nanalo ako sa ‘PBB,’ may pa-house and lot. Iba pa rin yung pakiramdam na may sarili kang bahay,” ani Kim.

 

Bilang breadwinner, nauunawaan din ni Kim ang mga sakripisyong kaakibat ng bawat padalang ipinapadala ng mga Pilipinong nagtatrabaho abroad. Para sa kanya, ang pagpapadala ng pera ay higit pa sa isang transaksyon—isa itong pagpapakita ng pagmamahal at pagsuporta nila sa pamilya.

 

“More than the padala, it is more of a connection, love, support, and security. Kapag nagpadala ka ng pera, may kwento yun behind it pwede pang-tuition, pang-grocery, minsan pang-emergency,” ani Kim.

 

Para naman sa WorldRemit, bahagi ng commitment nito sa Filipino community ang pagsuporta sa mga pangarap ng mga Pilipino. Kinikilala ng kumpanya ang mahalagang papel ng remittances sa pagpapanatili ng koneksyon ng overseas Filipinos sa kanilang mga pamilya at sa pagtulong na maisakatuparan ang kanilang mga layunin sa Pilipinas.

 

“We invest so much in the Filipino community because we know there is an immense world of difference we can make when we make remittance and sending money home easier,” pahayag ng Head of Philippine Markets ng WorldRemit na si Leo Albea.

 

Dagdag pa niya, “Owning a house is a dream of many Filipinos. It is such a fun experience to give this to OFWs,”

 

Bilang bahagi ng patuloy nitong suporta sa mga Pilipino sa Pilipinas, nag-donate rin ang WorldRemit ng P500,000 sa ABS-CBN Foundation upang makatulong sa pagbibigay ng flood relief assistance.

 

Bukod sa donasyon, maaari ring makatulong ang mga bagong user ng WorldRemit sa ABS-CBN Foundation International sa pamamagitan ng paggamit ng promo code na GIVEBACK sa kanilang unang transfer. Magbibigay ang WorldRemit ng $10 na donasyon sa ABS-CBN Foundation International para sa gagamit ng naturang code.

 

Ilulunsad ngayong Setyembre ang “Bahay Mo, Panalo Mo.” Bukas ito sa mga kwalipikadong WorldRemit customers sa United States, Canada, United Kingdom, at piling lugar sa Australia.

 

Sa pamamagitan ng WorldRemit, mabilis, ligtas, at convenient na makapagpapadala ng pera ang mga overseas Filipino sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

 

Para sa kumpletong promotion mechanics at eligibility requirements, abangan ang “Bahay Mo, Panalo Mo” sa TFC at sundan ang WorldRemit sa Facebook, Instagram, at X..

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE