Makabagong tunog para sa rap classic
Binigyan ng bagong tunog ng rising P-pop group na WRIVE ang rap/hiphop classic na “Sumayaw Ka” kasama ang singer at “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez.
Orihinal na isinulat at inawit ni Gloc-9 ang kanta na tungkol sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at pagpapatuloy kahit hindi madali ang mga pinagdaraanan. Ang bagong bersyon ay mula sa produksyon at arrangement nina Darren Cashwell at WRIVE member Russu.
Bago pa ang official release, naiparinig na ng WRIVE ang “Sumayaw Ka” sa iba’t ibang shows at events, kabilang ang first anniversary celebration ng grupo na “Unang Taon” noong Hulyo at Star Magic’s All-Star Games sa SM Mall of Asia Arena noong nakaraang buwan.
Patuloy rin ang pagpapasabik ng grupo sa paglabas ng kanta sa pamamagitan ng dance challenge sa social media, kung saan nakisabay ang iba’t ibang Kapamilya personalities.
Inilabas ng grupo ang kanilang self-titled debut album noong Enero na umani na ng mahigit 700,000 streams sa Spotify. Tampok dito ang mga awiting “Ooh La La,” “Senorita,” at “Panaginip Na Lang.”
Napapakinggan ang “Sumayaw Ka” nina WRIVE at Cianne Dominguez sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang WRIVE sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Para sa ibang detalye, i-follow ang Star Music sa Facebook, X , Instagram, TikTok, at YouTube.


