Panalo sa puso ng mas maraming Pilipino ang mga palabas at makabuluhang balitang hatid ng ABS-CBN noong Abril matapos nitong magkamit ng average audience share na 45%, o 12 na puntos na lamang kumpara sa 33% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.
Mas pinanonod sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila sa pagtala nito ng average audience share na 42%, laban sa 25% ng GMA, at sa Mega Manila sa pagrehistro naman nito ng 36%, kumpara sa 34% ng GMA. Inabangan din ang Kapamilya network sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41%, laban sa 35% ng GMA; sa Total Visayas sa pagpalo nito sa 54%, kumpara sa 26% ng GMA; at sa Total Mindanao, kung saan nagkamit ito ng 51% at tinalo ang 29% ng GMA.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.
Pasok sa top ten ng mga pinakapinanood na programa noong Abril ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (41%), “Pilipinas Got Talent” (36.9%), “Bagani” (33.2%), “TV Patrol” (28.8%), “MMK” (27.6%), “Wansapanataym” (27.5%), “Home Sweetie Home” (24.5%), “The Good Son” (20.6%), “Since I Found You” (20.6%), at “Rated K” (20.1%).
Samantala, inabangan din ang ABS-CBN sa iba’t-ibang timeblocks, partikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN), kung saan nakakuha ito ng average audience share na 50%, o 18-puntos na lamang kumpara sa 32% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
Tinutukan din ang ABS-CBN sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng average audience share na 35% kumpara sa 32% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 45% kontra sa 33% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6 PM) matapos nitong magkamit ng 43%, laban sa 35% ng GMA.