ABS-CBN ang mas tinutukan ng mga manonood noong Mayo upang makakuha ng mga makabuluhang balita at mga kwentong puno ng aral sa pagtala nito ng average audience share na 45% laban sa 32% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.
Mas pinanood sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN, partikular na sa Metro Manila sa pagtala nito ng average audience share na 41% kumpara sa 26% ng GMA, at sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng 36% laban sa 34% ng GMA. Nanguna rin ang Kapamilya network sa Total Luzon sa pagtala nito ng 41% kumpara sa 35% ng GMA, sa Total Visayas sa pagrehistro nito ng 54% laban sa 25% ng GMA, at sa Total Mindanao kung saan nakakakuha ito ng 52% at tinalo ang 30% ng GMA.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.
Ayon din sa listahan ng Kantar Media, “FPJ’s Ang Probinsyano” (40.7%) pa rin ang naghari noong Mayo, na sindunan naman ng “Bagani” (32.4%).
Pasok rin sa top ten ang “Your Face Sounds Familiar Kids” (32.1%), “MMK” (28.7%), “TV Patrol” (28.1%), “Wansapanataym” (24.4%), “Home Sweetie Home” (21.8%), at “Rated K” (20.3%).
Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block kung saan nagkamit ito ng average audience share na 49% at tinalo ang 32% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
Nanguna rin ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 36%, kumpara sa 31% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 47% kontra sa 32% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa pagkamit nito ng 45% at tinalo ang 37% ng GMA.