TV Ratings

English | Tagalog

Mga programa ng ABS-CBN, mas tumatak sa viewers noong Hulyo

August 02, 2019 AT 04:04 PM

ABS-CBN shows resonate with more Filipinos in July

Majority of households nationwide still turned to ABS-CBN for their dose of relevant news stories and inspiring shows in July, leading the network to hit an average audience share of 45%, or 13 points higher than GMA’s 32%, according to data from Kantar Media.

“Probinsyano,” “Idol” nanguna tuwing weekday at weekend
 
Nakatutok pa rin ang karamihan ng mga kabahayan sa buong bansa sa ABS-CBN na naghatid ng mahahalagang balita at makabuluhang mga palabas noong Hulyo, matapos itong makakuha ng average audience share na 45%, o 13 puntos na lamang laban sa 32% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media. 

Katulad ng mga nakaraang buwan, hindi pa rin natitinag ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (37.6%) bilang pinakapinapanood na programa ng mga Pilipino nationwide. Kasunod naman nito ang action-drama na “The General’s Daughter” (31.3%).

Nagtapos naman ang unang season ng “Search for the Idol Philippines” (30.1%) bilang numero unong programa tuwing weekend, habang hawak pa rin ng “TV Patrol” (28.5%) ang titulo bilang most watched weekday newscast sa buong bansa.

Marami ring mga Pilipino ang patuloy na tumatangkilik sa mga nakakaantig na mga kwento na handog ng “Maalaala Mo Kaya” (24.8%), habang nakasubaybay pa rin ang viewers sa matitinding kaganapan sa “Kadenang Ginto” (24.1%) tuwing hapon.

Pasok din sa listahan ng most watched programs noong Hulyo ang “Hiwaga ng Kambat” (23.6%) at “Home Sweetie Home: Extra Sweet” (21.6%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t-ibang time blocks, partikular na sa primetime at sa afternoon block. Nagkamit ang Kapamilya network ng 47%, kumpara sa 31% ng GMA sa primetime block. Pagdating naman sa afternoon block (3 PM to 6PM), nakapagtala rin ang ABS-CBN ng 47% at tinalo ang 33% ng GMA. 

Namayagpag din ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 39%, kumpara sa 30% ng GMA at sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 44% kontra sa 34% ng GMA.
Panalo rin sa ratings ang Kapamilya network sa Metro Manila sa pagtala nito ng 41% laban sa 26% ng GMA; sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng 36% kontra sa 32% ng GMA; sa Total Luzon kung saan nakakuha ito ng 40% kumpara sa 34% ng GMA; sa Total Visayas kung saan nakaani ito ng 53% laban sa 25% ng GMA, at sa Total Mindanao kung saan nakakuha ang ABS-CBN ng 52% kontra sa 29% ng GMA.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

-30-
 
TABLE 1.  TOTAL DAY NATIONAL TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
 
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 45
2 GMA 32
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
 
TABLE 2.  NATIONAL PRIMETIME (6 PM-12 MN) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 47
2 GMA 31
3 TV5 5
Source: Kantar Media
 
 
 
TABLE 3.  NATIONAL MORNING (6 AM-12 NN) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK   AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN            39
2 GMA            30
3 TV5             2
  Source: Kantar Media
       
 
 
 
           
 
TABLE 4.  NATIONAL NOONTIME (12 NN-3 PM) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 44
2 GMA 34
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 5.  NATIONAL AFTERNOON (3 PM-6 PM) TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 47
2 GMA 33
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 6.  TOTAL DAY LUZON TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 40
2 GMA 34
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
 
TABLE 7.  TOTAL DAY VISAYAS TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 53
2 GMA 25
3 TV5 4
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 8.  TOTAL DAY MINDANAO TV VIEWERSHIP (URBAN AND RURAL) IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
 
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 52
2 GMA 29
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
 
TABLE 9.  TOTAL DAY METRO MANILA TV VIEWERSHIP IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
 
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 41
2 GMA 26
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
 
 
TABLE 10.  TOTAL DAY MEGA MANILA TV VIEWERSHIP IN JULY 2019 BY HOUSEHOLDS
RANK TV NETWORK AUDIENCE SHARE IN %
1 ABS-CBN 36
2 GMA 32
3 TV5 3
Source: Kantar Media
 
 
TABLE 11. TOP 10 MOST WATCHED REGULARLY AIRING PROGRAMS IN JULY 2019 IN NATIONAL URBAN AND RURAL HOMES (EXCLUDING SPECIALS)
Rank Channel Title Rating in %
1 ABS-CBN FPJ'S ANG PROBINSYANO 37.6%
2 ABS-CBN THE GENERAL’S DAUGHTER 31.3%
3 ABS-CBN SEARCH FOR THE IDOL PHILIPPINES 30.1%
4 ABS-CBN TV PATROL 28.5%
5 GMA KAPUSO MO, JESSICA SOHO 25.5%
6 ABS-CBN MAALAALA MO KAYA 24.8%
7 ABS-CBN KADENANG GINTO 24.1%
8 ABS-CBN HIWAGA NG KAMBAT 23.6%
9 ABS-CBN HOME SWEETIE HOME: EXTRA SWEET 21.6%
10 GMA 24 ORAS 20.7%