
May bago na namang Thai series na magpapakilig sa sambayanan dahil mapapanood na ang "I"m Tee, Me Too" simula ngayong 10:30 ng gabi sa iWant TFC! Meron ding mahusay na awitin ang handog sa atin ng Tarsier Records na pinamagatang "RISE." Nagsanib-pwersa rito sina Inigo Pascual, Sam Concepcion at iba pang kilalang artist sa ibang bansa. Para naman sa mga mahilig mag-share ng fun and inspiring quotes, i-check na ang special sticker pack ng ABS-CBN Books sa Viber app na tampok ang mga quotes mula sa iba"t ibang Kapamilya authors tulad nina Vice Ganda at Alex Gonzaga. Panoorin na ang #ABSCBNPRNewsRundown para updated ka lagi sa balita, mga Kapamilya!