News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN nanguna sa buong bansa noong Oktubre

October 08, 2018 AT 04 : 07 PM

Mas maraming Pilipino pa rin ang tumutok sa mga aral at makabuluhang balitang hatid ng ABS-CBN noong Oktubre matapos nitong magtala ng average audience share na 44%, o 13 puntos na lamang sa 31% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Ang ABS-CBN ang inantabayanang network sa parehong urban at rural homes, partikular na sa Metro Manila, matapos itong magrehistro ng average audience share na 42%, kumpara sa 25% ng GMA. Nanaig din ang Kapamilya network sa Mega Manila sa pagkamit nito ng 36%, laban sa 33% ng GMA. 

Panalo rin ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagtala nito ng 39% kumpara sa 34% ng GMA; sa Total Visayas kung saan nakakuha ito ng 53% kontra sa 24% ng GMA, at sa Total Mindanao sa pagrehistro nito ng 53% at tinalo ang 25% ng GMA.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Siyam sa sampung pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN na pinangunahan ng “FPJ’s Ang Probinsyano” (43.6%) at sinundan naman ng “TV Patrol” (32.2%).

Kasama rin sa top ten ang “Ngayon at Kailanman” (29.4%), “The Kids’ Choice” (25.6%), “Wansapantaym” (23.5%), “Home Sweetie Home” (22.6%), “Meteor Garden” (22.5%), “Halik” (22.1%), at “MMK 25” (21.8%).
Bukod naman sa pamamayagpag nito sa telebisyon, sinusubaybayan din online ang mga kaganapan sa teleseryeng “Halik” na humakot na ng sa 3.6 milyong weekly views sa iWant TV.

Samantala, tinutukan din ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime block sa pagtala nito ng (6PM-12MN) 48%, o 17 puntos na lamang sa 31% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Mas pinanood din ang Kapamilya network sa morning block (6AM-12NN) sa pagtala nito ng 36%, kumpara sa 28% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) sa pagkamit nito ng 43% kontra sa 32% ng GMA; at sa afternoon block (3PM-6PM) sa pagrehistro nito ng 44% laban sa 33% ng GMA.