News Releases

English | Tagalog

iWant pumalo agad sa 1M downloads, nanguna sa most downloaded free apps ng App Store at Google Play

November 19, 2018 AT 02 : 54 PM

Mainit na tinanggap ng mga Pinoy ang bagong streaming service ng ABS-CBN na iWant dahil agad na pumalo ito ng higit sa isang milyong app downloads sa araw ng launch nito noong Sabado (Nobyembre 17), lalo pa’t inabangan ng iOS at Android users sa bansa na mapanood ang original films, series, at iba pang uri ng content na mapapanood dito. 

Mula nang maging available sa publiko ang iWant app noong Nobyembre 15, agad ngang nanguna ito sa listahan ng pinaka dina-download na free apps sa App Store at Google Play. Ito rin ang most downloaded entertainment app sa Google Play sa kasalukuyan. 

Kasabay ng paglulunsad ng bagong iWant, napapanood na rin nang libre ang original content nito kabilang na ang inabangang digital film na “Glorious,” ang fantasy series na “Spirits Reawaken,” ang star-studded anthology series na “Alamat ng Ano,” horror film na “Ma,” lifestyle show na “Laureen on a Budget,” at entertainment talk show na “I Know Right?! (IKR).” 

Marami namang netizens ang natuwa sa bagong iWant dahil sa iba’t ibang klase ng content na makikita rito, kabilang na ang ABS-CBN shows, mga pelikula, restored movie classics, fastcut versions ng umeereng Kapamilya teleseryes, at Asianovelas. Bukod sa mga ito, kasama rin sa bagong iWant ang music streaming tampok ang albums ng iba’t ibang OPM artists, ang live digital concerts ng One Music, at livestreaming ng “Pinoy Big Brother Otso” at “Camp Star Hunt.” 

Isa pang inaabangan ng fans sa iWant ay ang original show na “Camp Star Hunt,” kung saan ekslusibong masusubaybayan ang pinagdadaanan ng Star Dreamers at ang challenges na kailangan nilang pagtagumpayan upang mapatunayang karapat-dapat silang maging “PBB” housemate. Pasok na ang Star Dreamer na si Criza sa “PBB Otso,” matapos siyang iboto ng publiko na maging opisyal na housemate pagkatapos mapaalis sa Bahay ni Kuya si Josh, ang unang evictee ng bagong season, noong Linggo ng gabi (Nobyembre 18).

Natuwa ang Twitter user na si @beanclaveria at sinabing, “Dear @iWant, You're so very very bad. You just made my insomnia even worse! Hahahaha. So what's next for me after the original movie ‘Glorious’ and the digitally restored ‘Madrasta’?! I can't sleep and I want more!!!!”

Na-enjoy naman daw ni @kabgitakkm ang ibang features ng iWant at sinabing, “The new @iwant has iWant music! Aside from a wonderful compilation of series, movies & originals. Kumpletos rekados!” Sabi naman ni @Krishteynnn, “Sobrang happy ko sa library ng #iWant!!! Kahit lumang movies meron pati original content.”

Nag-post naman ng review ang Android user na si JRabe Network, “Very useful for me. Lagi ko na mapapanood ang favorite shows ko anytime anywhere. Lagi rin ako nanonood ng livestream. Nasusubaybayan ko ang PBB.” 

“Really loving the new @iWant app. It’s legit the first ever homegrown Philippine version of Netflix. Loving all the classic Pinoy movies and super great original content,” ayon naman sa Twitter user na si @DrewSarmiento.

“Napanood niyo na ang #iWantGlorious? Mag #iWantNowStreaming na. It's a movie that tells a wonderful story that would elevate the Pinoy's movie watching experience,” komento ni @CherriesL727 tungkol sa “Glorious,” na siya ring naging nangungunang trending search keyword sa Google Philippines. 

Para sa karagdagang updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, at sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.