News Releases

English | Tagalog

Laban ni Catriona para sa ika-apat na korona ng Pilipinas sa Miss Universe, mapapanood na sa ABS-CBN

December 14, 2018 AT 11 : 18 AM

Catriona Gray shoots for the Philippines' fourth Miss Universe crown this Monday.

Mapapanood na ng mga Pilipino ang nalalapit na laban ni Catriona Gray para sa ika-apat na korona ng Pilipinas sa Miss Universe sa pag-ere ng coronation night nito sa ABS-CBN ng LIVE mula sa Muang Thong Thani, Thailand sa Lunes (Disyembre 17) ng 8 am at sa libreng livestreaming sa ABS-CBN Live channel sa iWant app ng ABS-CBN.
 
Eere ang replay ng “Miss Universe” sa Sunday’s Best ng ABS-CBN pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” sa Disyembre 23. Samantala, maa-access naman ang libreng livestreaming sa iWant sa pag log-in sa iwant.ph at sa iWant app sa iOS at Android.
 
Bukod pa sa free-to-air channel ng ABS-CBN, mapapanood din ang beauty pageant sa SKYcable sa Metro Channel sa Disyembre 24 ng 3 pm at sa digital television gamit ang ABS-CBN TVplus.
 
Isa sa mga pinakasikat na kandidata sa internet si Gray at marami na ring eksperto ang nakpag-hayag na malaki ang tsansa ng Filipino-Australian na beauty na masungkit ang korona. Naging matunog ang kanyang pangalan pagkatapos ng kanyang kahanga-hangang performance sa swimsuit portion sa preliminary competition kahapon.
 
Pipiliin ang Top 20 base sa katatapos lamang na preliminaries, na ihahayag sa darating na Lunes. Magkakaroon ng tig-limang representante ang bawa’t rehiyon sa mundo – Europe, North America, South America, at Asya at Africa.

Magsisilbing host ng presihiyosong pageant ang komedyanteng si Steve Harvey at supermodel Ashley Graham, habang sina Carson Kressley at runway coach Lu Sierra ang magbibigay ng komentaryo. Magkakaroon din ng espesyal na numero ang R&B superstar na si Ne-Yo.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga update, sundan lamang ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.