News Releases

English | Tagalog

AEGIS, aarangkada sa araneta sa ika-20 taong anibersaryo

June 21, 2018 AT 03 : 06 PM

Anne Curtis, Jericho Rosales, Karla Estrada, Jett Pangan, and Vice Ganda are set to rock the stage with the iconic and phenomenal 90s band Aegis as it celebrates its 20th anniversary in the music business with a concert dubbed as “AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo” on July 13 at the Araneta Coliseum.

Kasama ng phenomenal 90s band na Aegis sa tugtugan sina Anne Curtis, Jericho Rosales, Karla Estrada, Jett Pangan, at Vice Ganda sa pagdiriwang nito ng ika-20 taon sa industriya ng musika sa isang malaking concert na pinamagatang “AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo” sa Hulyo 13 sa Araneta Coliseum.

“Ito na ang pinakamalaki naming challenge sa loob ng 20 years, ang magperform sa Araneta. Dati kasi guests lang kami sa mga concerts,” saad ng vocalist na si Julet Sonot.”Masaya kami na mag-perform kasama ang mga guests naming na kaibigan sa industriya,” paglalahad pa ni Juliet.

Binubuo ng vocalists na sina Juliet Sonot, Mercy Sunot-Borjal, Kris Sunot, keyboardist na si Stella Maries Galindo-Pabico, drummer na si Vilma Goloviogo, bassist na si Rowena “Weng” Pinpin-Adriano, at guitarist na si Rey Abenoja, ang banda.

Si Frank Lloyd Mamaril ang magdidirehe ng show mula sa ABS-CBN Events production.

Mabibili ang tickets sa  “AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo” concert sa halagang P5,830 (VVIP), P4,240 (VIP), P3,180 (Patron A), P2,650 (Patron B), P1,275 (Box), P850 (Upper Box), at P320 (General Admission).  Ang mga interesadong manood ay maaaring tumawag sa ABS-CBN Events at 413-1222/0915-036-9464 or Ticketnet at 911-5555. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official social media accounts ng ABS-CBN Events sa Facebook.com/ABSCBNnetwork/events o @abscbnevents sa Twitter at Instagram.