Vote as many times as you can for Moira at www.mtvema.com/en-asia/vote.
Matapos maging big winner sa 2019 Awit Awards…
Parami nang parami ang magagandang bagay na natatanggap ni Moira Dela Torre dahil nominado siya bilang Best Southeast Asian Act sa MTV EMA 2019 na gaganapin sa Seville, Spain.
"Sobrang nagulat po talaga ako, and at that point sobrang na-overwhelm ako kasi ang daming blessings. Ang dami kasing nawalang opportunities for a while so akala ko talaga at one point tapos na and then biglang sunod-sunod ulit, so ito po talaga yung cherry on top na hindi lang mga Kapamilya dito sa Pilipinas yung nakakasuporta pero pati Kapamilya abroad," aniya.
Nominado si Moira sa kategorya kasama sina Rich Brian ng Indonesia, Yuna ng Malaysia, Jasmine Sokko ng Singapore, Jannina Weigel ng Thailand, at Suboi ng Vietnam.
Pero kahit marami nang pagkilalang natanggap, naniniwala siya na hindi ito ang pinakamahalagang parte ng kanyang karera. "Sobrang bonus po talaga lahat yun but I really, really will stand by this that my greatest award is being able to reach out to people through my music," paliwanag niya.
Kamakailan lang ay iniuwi ni Moira ang pinakamalalaking award sa Awit Awards 2019 gaya ng album of the year para sa “Malaya,” music video at song of the year para sa kanta niyang “Tagpuan,” at best collaboration para sa awiting “Knots” na inawit niya kasama si Nieman.
Panalo rin siya sa katatapos lang na Himig Handog 2019 bilang interpreter kasama si Daniel Padilla, para sa entry ni Dan Tañedo na "Mabagal" na hinirang bilang Best Song.
Inilabas din nitong Setyembre ang kantang "Paalam" na kolaborasyon niya kasama ang Ben&Ben. Makikipagsanib-pwersa rin siya kay Asia's Songbird Regine Velasquez para sa theme song ng pinakabagong pelikula ng Star Cinema na "Unbreakable."
Nakatakda ring i-release sa unang bahagi ng 2020 ang bagong album ni Moira sa ilalim ng ABS-CBN Music International, kung saan nakatrabaho niya ang mga foreign artist at producer gaya nina HARV, DJ Flict at Us The Duo. Isa lang si Moira sa mga Kapamilya artist na unti-unting pumapasok sa international music scene, bilang bahagi ng pagsisikap ng ABS-CBN na maipakilala ang talento ng mga Pilipino sa buong mundo.
Iboto si Moira bilang Best Southeast Asian Act sa MTV EMA 2019. Pumunta lang sa
www.mtvema.com/en-asia/vote/. Bukas ang botohan hanggang 6:59pm, PH time sa Nobyembre 2. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya'y bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.