News Releases

English | Tagalog

NCAA Stepladder Semis, magsisimula na sa ABS-CBN S+A at iWant

October 30, 2019 AT 09 : 02 AM

Tatlong eskwelahan ang magbabakan para harapin ang defending champion na San Beda University (SBU) Red Lions sa NCAA Season 95 stepladder semifinals na magsisimula ngayong Martes (Nobyembre 5) sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City. 

Maghaharap sa isang “do-or-die match” ang San Sebastian College-Recoletos (SSC-R) Golden Stags, na nakuha ang ika-apat na puwesto, at ang nasa ikatlong puwestong na Colegio De San Juan De Letran (CSJL) Knights, na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at iWant ng 4 pm. 

Kung sino man ang manalo sa dalawang koponan ang kakalaban sa Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates, na pumangalawa sa standings, para sa karapatang makaharap ang SBU sa Finals.

Naging stepladder ang semifinals ng torneo pagkatapos maipanalo ng Red Lions ang lahat ng laro sa double round eliminations sa pinagsamang lakas ng nangungunang kandidato sa pagka-MVP na si Calvin Oftana at ang kanilang point guard na si Evan Nelle.

Matarik ang aakyatin ng tatlong koponan para maabot ang Finals kontra SBU Red Lions at hindi na makapaghintay na magsimula sina Jerrick Balanza ng Letran, Allyn Bulanadi ng SSC-R, at ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino ng LPU.

Para kay Balanza at Bulanadi, parehas pa nilang naiisip ang duwelo ng kanilang mga eskwelahan noong Season 93, kung saan nasulot ng Stags ang ika-apat na puwesto sa Final Four salamat sa dating big man nilang si Michael Calisaan.

Samantala, ayon naman sa kambal na Marcelino ng LPU, parehas nilang pinaghahandaan ang SSC-R at Letran at kaya nilang harapin kung sino man sa dalawang eskwelahan ang mananaig sa Martes (Nobyembre 5).

Huwag palampasin ang NCAA Season 95 stepladder semis ngayong Martes (Nobyembre 5) LIVE sa S+A at iWant mula sa FilOil Flying V Centre sa San Juan ng 4 pm sa bakbakang CSJL Knights at SSC-R Stags para sa pagkakataong makaharap ang LPU Pirates para lumusot sa Finals.

Para sa balita sa NCAA, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE