Panibagong mga kwento ang aantig at kagigiliwan ng manonood dahil kumpleto na ang second batch ng teen housemates sa loob ng bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother Otso" noong nakaraang Sabado’t Linggo.
Hinirang nga na official housemates noong Sabado (Abril 6) ang “German Wunder Boy ng Leyte” na si Mich Wunder, ang “Palangiteen Dreamer ng Camarines Sur” na si Yen Quirante, ang “Hataw Hottie ng Bataan” na si Angela Tungol, at ang “Responsableng Rising Son ng Japan” na si Shoichi Oka, habang kahapon, Linggo (Abril 7) napili naman ang “Kulitisoy ng Davao” na si Tan Roncal, ang “Miss Palangga-nda ng Cebu” na si Kyzha Villalino, ang “Promdi-livery Boy ng Lucena” na si Alfred Beruzil at ang “Dance-irella ng Isabela” na si Sheena Catacutan na sundan ang naunang apat.
Bagama’t kapapasok lamang ng apat, humarap na agad sina Angela, Shoichi, Yen, at Mich sa unang hamon nila bilang opisyal na housemates: ang lampasan ang obstacle course at buksan ang bahay ni Kuya gamit ang isa sa kanila na magsisibling “human key.” Dahil sa kanilang teamwork at tiyaga, kanila itong napagtagumpayan.
Samantala, sa pagpasok ng walo sa Bahay ni Kuya, ang ibang Star Dreamers naman na kinabibilangan ni Jem Macatuno, Shami Baltazar, Narcy Esguerra, Batit Espiritu, Lance Carr, Ashley del Mundo, Emjay Savilla, at Gwen Apuli ang pumasok sa Camp Star Hunt.
Bago napili ang walo, unang sumabak ang labing-anim pang Star Dreamers sa mga mabibigat na hamon na nakita ng manonood noong nakaraang linggo sa 'The Big Island Adventure' ni Kuya.
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.