News Releases

English | Tagalog

Boses ng Pilipino, ibabandila sa “Halalan 2019” The ABS-CBN Special Coverage

May 11, 2019 AT 10 : 28 AM

Leading the way in telling the stories of Filipinos from different points in the country and the world, through ABS-CBN Regional and ABS-CBN News’ news bureaus in North America, Middle East, and Europe, are the nation’s most trusted and awarded news anchors led by Noli “Kabayan” De Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Zen Hernandez, Alvin Elchico, Gretchen Ho, and Anthony Taberna.

 
Kabayan, Ted, Bernadette, at Karen, mangunguna sa pagbabalita

 
Ibabandila ng ABS-CBN News ang tinig ng sambayanang Pilipino sa pinaka-komprehensibong pagbabalita ngayong eleksyon simula Lunes (Mayo 13) sa “Halalan 2019: Ipanalo ang Boses ng Pilipino” special election coverage sa TV, cable, radyo, at online.
 
Mangunguna sa pagpapahayag ng pinakabagong updates at maiinit na balita ang mga pinagkakatiwalaang news anchor sa bansa kabilang sina Noli “Kabayan” De Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Zen Hernandez, Alvin Elchico, Gretchen Ho, at Anthony Taberna. Katuwang din nila sa paghatid ng kwento at pananaw sa halalan ng mga Pilipino sa buong bansa at mundo ang ABS-CBN Regional at ABS-CBN News bureaus sa Amerika, Middle East, at Europe. 
 
Mapapanood ang “Halalan 2019: The ABS-CBN Special Coverage” simula 5 am sa Linggo, Mayo 13.
 
Tuloy-tuloy naman sa loob ng 36 oras ang paghahatid ng balita ng DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo na magsisimula ng 4 am ng Mayo 13 hanggang 4 pm ng Mayo 14, 2019. Bilang nangungunang himpilan sa balita at public service, tutulungan din ng DZMM ang mga Kapamilyang magkakaproblema sa pagboto sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga ahensya sa gobyernong makakatulong sa kanila. 
 
Isa’t kalahating araw din ang itatagal ng election coverage ng ANC simula 4 am tampok ang mga live report mula sa iba-ibang presinto sa Pilipinas at sa ibang bansa. Mangunguna naman dito ang mga batikang broadcast journalist na sina Tina Monzon-Palma, Karen Davila, Lynda Jumilla, at Cathy Yang.
 
Sundan ang mga balita tungkol sa eleksyon sa election coverage ng ABS-CBN, DZMM, at ANC na mapapanood online sa news.abs-cbn.com.  Maaari ring manood sa youtube.com/ABSCBNNews, iWant News sa iwant.ph, o sa mga Facebook page ng ABS-CBN News (https://facebook.com/abscbnNEWS), DZMM TeleRadyo (https://facebook.com/DZMMTeleRadyo), at ANC (https://www.facebook.com/ANCalerts/).
Makikita naman ang mga live resulta ng eleksyon mula sa COMELEC sa #Halalan2019 results page sa https://halalanresults.abs-cbn.com.
 
I-follow din ang @ABSCBNNews, @ANCalerts, @DZMMTeleRadyo sa Twitter. Para sa updates, subdan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.