Kinilala ang ABS-CBN bilang Best TV Station sa ika-27 Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP), kung saan tumanggap ito ng 25 na mga parangal.
Patuloy na namamayagpag ang “It’s Showtime” bilang Best TV Variety Program at “Home Sweetie Home: Walang Kapares” bilang Best TV Comedy Program, habang ang “Sana Dalawa ang Puso,” na umere noon sa umaga, ang kinilala bilang Best TV Drama Program.
Tinanghal namang Best TV Actress for Comedy si Angelica Panganiban para sa kanyang lingguhang palabas na “Banana Sundae” habang si Bayani Agbayani naman ang nag-uwi ng Best TV Actor for Comedy para sa “Funny Ka, Pare Ko.” Pinuri rin ang pag-ganap ng mga artistang Kapamilya tulad ni Bela Padilla, na nanalo ng Best TV Actress for Drama sa kanyang role sa “Maalaala Mo Kaya: Anting-anting” habang si Nash Aguas naman ang nag-uwi ng Best TV Actor for Drama para sa kanyang papel sa “Maalaala Mo Kaya: Drawing.”
Ginawaran din ng KBP ng Best TV Magazine Program Host si Boy Abunda, samantalang Best TV Magazine Program naman ang “The Bottomline with Boy Abunda.” Hindi rin nagpahuli ang “Team YeY” na nanalo bilang Best TV Children’s Program.
Para sa ABS-CBN News, kinilalang Best TV Public Service Host si Karen Davila para sa “My Puhunan.” Panalo rin ang “Salamat Dok” bilang Best TV Public Service Program at “Tapatan ni Tunying” bilang Best TV Public Affairs Program. Nagwagi rin ang “Red Alert” bilang Best TV Documentary Program para sa “Red Alert: HIV” at Best TV PSA para sa “Red Alert: Bagyo Ligtas Tips,” samantalang Best TV Sports Program ang “Sports U Ikaw ang Panalo.”
Humakot rin ng tropeo ang DZMM Radyo Patrol 630. Pinangalanang Best Radio Variety Program ang “Todo-Todo Walang Preno,” Best Radio Magazine Program ang “Sakto!” at Best Radio Sports Program ang “FastBreak.” Wagi rin ang anchor na sina Vic Lima, na inuwi ang Best Radio Newscaster, habang si Radyo Patrol Reporter Zhander Cayabyab ang nanalo bilang Best Radio Field Reporter. Namayagpag din si Cory Quirino, na kinilala bilang Best Radio Magazine Program Host at si Bro. Jun Banaag O.P. bilang Best Variety Program Host.
Bumida rin ang ABS-CBN regional matapos makamit ng “TV Patrol Negros Channel 4” ng ABS-CBN Bacolod ang Best TV Newscast Provincial.
Ang KBP ang nangungunang media organization sa bansa at binubuo ng mga may-ari at nagpapatakbo ng mga himpilan sa telebisyon at radyo at may layuning itaguyod ang mga propesyonal at etikal na pamantayan sa Philippine Broadcast Industry. Itinataguyod rin nito ang social responsibility sa industriya. Kinikilala ng KBP Golden Dove Awards ang mga kahusayan ng mga broadcaster sa Pilipinas.
Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.