Barangay Basak in Lapu-Lapu City, Cebu became a center for love when ABS-CBN’s “Kapamilya Love Weekend” paid the community a visit recently, delivering a fiesta of services to more than 2,000 people.
Sa patuloy na pagdiriwang ng ika-65 na anibersaryo ng ABS-CBN…
Naging sentro ng kalinga at pagmamahal ang Barangay Basak sa Lapu-Lapu City, Cebu sa pagbisita dito ng “Kapamilya Love Weekend” kung saan mahigit 2,000 tao ang naabutan ng serbisyo.
Mistulang piyesta sa dami ng serbisyong hinanda ng Kapamilya network para sa mga residente, sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng ika-65 na anibersaryo ng kumpanya. Maliban sa karaniwang medical at dental mission, nagkaroon din ng libreng check-up sa mata, libreng laboratory at x-ray, pagupit at masahe, soup kitchen, at pagpapagawa ng cellphone at laptop na nagbigay ng saya at kaginhawaan sa mga dumalo.
Tinangkilik din nila ang libreng konsulta sa abogado, ang one-top-shop para sa mga serbisyong gobyerno tulad ng SSS at LTO, ang libreng check-up para sa alagang hayop, ang pre-loved books bazaar, at ang “Libro para sa Kapamilya” program ng ABS-CBN Regional na nagpamigay ng daan-daang libro sa kabataan.
Nagkaroon pa ng zumba party, karaoke challenge, at marami pang mga laro kasama ang “Pinoy Big Brother Otso” housemates na sina Argel, Gino, Yen, at Ashley, kasama ang mga empleyado, reporter, jock, at staff ng ABS-CBN na nagsilbing mga volunteer.
Kakaiba ang “Kapamilya Love Weekend” sa Cebu dahil sinunod nito ang format ng kilalang public service event ng ABS-CBN Regional na “Halad sa Kapamilya.” Pag-aalay ang ibig sabihin ng "Halad" sa Cebuano, at iyon ang tinupad ng ABS-CBN sa “Kapamilya Love Weekend.”
"Hindi ito tungkol sa amin…tulay lang kami sa mga gusto tumulong at nangangailangan ng tulong. Dito kami nagbibigay at nagbabalik sa ating mga kapamilya,” sabi ni ABS-CBN Regional head Veneranda Cinco - Sy, na dating station manager ng ABS-CBN Cebu.
Sinuklian naman sila ng ngiti at pagmamahal ng mga residente na punung-puno ng pasasalamat para sa kanilang mga Kapamilya sa ABS-CBN.
"Nalipay ko kay naa may manghatag... bisan gamay, modako naman siya tungod sa kalipay nako kaayo, (Masaya ako dahil may nakapagbigay sa amin, kahit maliit lamang… lumalaki dahil sa sayang nadarama ko)
,” bahagi ni lola Maria Ando, na nagpatingin ng kanyang mata.
Isa lamang ang “Kapamilya Love Weekend” sa maraming public service activities na inilunsad at isinasagawa ng kumpanya sa mahigit anim na dekada nitong paglilingkod sa mga Pilipino. Paraan ito upang maipaabot ng Kapamilya network ang pasasalamat nito sa kanilang pagmamahal at suporta sa nakalipas na 65 taon.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa
abscbnpr.com