News Releases

English | Tagalog

DZMM, patuloy ang paghahatid ng libreng love, medical, at legal advice sa mga Pilipino

September 20, 2019 AT 03 : 59 PM

No one can escape issues and problems in life, whether concerning personal relationships, medical, or legal. Luckily, there are people who are willing to listen, lend a helping hand, and offer guidance to Filipinos, just like DZMM’s band of experts from the programs “Dr. Love Radio Show,” “Dra. Bles at Ur Serbis,” and “Usapang de Campanilla.”

Mga Pinoy, nakahanap ng karamay sa DZMM anchors…

Walang nakatatakas sa mga problema sa buhay, maging personal, medical, o legal man. Buti na lang at may mga taong handang makinig, tumulong, at magbigay ng payo sa mga Pilipino, tulad ng mga ekspertong anchor ng “Dr. Love Radio Show,” “Dra. Bles at Ur Serbis,” at “Usapang de Campanilla” sa DZMM.

Mga usapin sa puso ang handog ni Bro. Jun Banaag, O.P. sa “Dr. Love Radio Show” na isa sa mga natatanging counseling programs sa radyo. Dahil sa personal ngunit ma-prinsipyong pagpapayo ni Bro. Jun, nahihikayat ang mga taong maglabas ng hinaing sa buhay at tingnan ang sitwasyon mula sa ibang pananaw. Bukod sa mga payo tungkol sa pag-ibig o pamilya, habol din ng libo-libong tagasunod ng programa ang musika, mga pabati, at palitan ng kwento rito, na nagbibigay sa kanila ng aliw sa kabila ng kanilang pinagdaraanan.

Ani Bro. Jun, napakasarap sa pakiramdam ang makatulong, kung kaya mahigit dalawang dekada na siya sa programa.”Fulfilling ang araw ko kapag nakikinig ako sa mga problema ng aking listeners dahil halos lahat ng tao gusto lang na may handang makinig sa kanila,” aniya.



Samantala, makakaasa naman ang mga Pilipinong may mga tanong na medical sa “Dra. Bles at Ur Serbis,” na layuning maunawaan ng mga Pilipino ang kanilang kalusugan. Patuloy itong tinututukan ng mga tao simula pa 2002 dahil sa pagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino na pangalagaan ang kalusugan para sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay.

“Kaya tumagal ang programa naman sa ere dahil naliliwanagan ang aming audience sa mga isyu tungkol sa kalusugan at siyensya. Nababahagi namin ang importanteng impormasyon sa payak na paraan para maintindihan agad nila ang sagot sa kanilang tanong tuwing nagpapa-konsulta on-air,” ani Dra. Bles.

Sa mga Pilipinong may suliraning legal naman, nariyan ang “Usapang de Campanilla,” na isang dekada nang naghahatid ng libreng payong legal. Kasama si Mare Yao, laging handang sumagot at gumabay sina Atty. Claire Castro at Atty. Noel Del Prado sa mga Pilipinong may tanong o isyu tungkol sa batas. Nagtatampok din sila ng mga ahensya ng gobyerno na maaaring makatulong sa mga tao at tumatanggap din ng tanong mula sa OFWs sa Hong Kong.

Ayon kay Mare, importanteng mamulat ang mga Pilipino sa batas at sa aplikasyon nito sa totoong buhay. Kaya sa simula ng programa, tumatalakay sila ng maiinit na isyu na may kinalaman sa batas. “Kapag ang tao may alam sa batas, kaya niyang gamitin ang kaalamang ito para protektahan ang kanyang sarili at pamilya,” paliwanag niya.

Hangad din ni Atty. Claire na mabawasan na ang nagiging biktima ng pang-aapi at pananamantala sa tulong ng kanilang programa. “Sa programa namin, matuturuan namin sila ng kanilang karapatan at obligasyon,” paliwanag niya.

Huwag palampasin ang award-winning na mga programang “Dr. Love Radio Show” tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 11 pm, “Dra. Bles at Ur Serbis” tuwing Linggo ng 6 pm, at “Usapang de Campanilla” mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 pm sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo.

Para sa balita sundan ang @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter o pumunta sa dzmm.com.ph. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o pumunta sawww.abs-cbn.com/newsroom.