ABS-CBN and its relevant news and current affairs programs were recognized for media excellence in the 3rd National College of Science and Technology Dangal ng Bayan Awards.
Halalan 2019 coverage ng Kapamilya network, binigyang parangal
Muling kinilala ang ABS-CBN at ang mga makabuluhang programa nito sa news and current affairs sa ika-3 National College of Science and Technology Dangal ng Bayan Awards.
Nasungkit ng Kapamilya network ang siyam na parangal kabilang ang Media Excellence Award for Engineering, Media Excellence Award for Information Technology para sa ABS-CBN News Online, at ang Makabayan Media Excellence Award para sa Halalan 2019 election coverage nito.
Pinarangalan naman ang “Failon Ngayon” ng Media Excellence Award for Public Administration, habang nagtagumpay ang “Matanglawin” sa pagkamit ng Media Excellence Award for Education.
Kabilang din sa mga programa ng Kapamilya network na kinilala ang “My Puhunan” (Media Excellence Award for Business and Entrepreneurship), “G Diaries” (Makakalikasan Media Excellence Award), at ang “On The Money” (Media Excellence Award for Accountancy), na napapanood naman sa ABS-CBN News Channel.
Samantala, iginawad naman ang Makatao Media Excellence Award sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation.
Simula noong inilunsad ang Dangal ng Media Awards noong 2018, kinikilala nito ang husay at dangal ng iba’t ibang media practitioner na tumutugma sa mga paniniwala at paninindigan ng mga kurso sa NCST.
Para sa karagdagang updates, i-follow ang ABS-CBN (@abscbnpr) sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.